Villanueva, naghain ng panukala laban sa ‘budol text scam’; 'Labanan ang epidemya ng smishing na bumubudol sa mga manggagawang naghahanap ng trabaho at pagkakakitaan'
Inihain si Senator Joel Villanueva ng panukala para labanan ang mga “budol text scams” na nakakapambiktima ngayon ng maraming mamamayan, lalo na ang mga nawalan ng trabaho, na pinapangakuan ng mataas na sahod.
“Marami po sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay at trabaho kaya ito pong sitwasyon ang sinasamantala ng mga nagpapadala ng spam messages. Kadalasan ay kakagat na lamang po sa pangako ng mataas na sahod, pero sa huli ay scam pala at ninakawan pa ng personal na impormasyon,” Villanueva, chair of the Senate labor committee, said.
“Hinihikayat po natin ang mga awtoridad na tugisin ang mga pasimuno ng ganitong modus upang hindi malinlang ang ating mga kababayan, lalo na ang mga naghahanap ng trabaho,” he added.
Ayon sa Senate Bill No. 2460 na isinumite ni Villanueva noong Miyerkules, bibigyan nito ang mga phone subscribers ng karapatang pumili kung gusto nilang makatanggap o hindi ng mga promotional messages mula sa mga kumpanya para malabanan ang walang humpay na pagdating ng mga di kanais-nais na mensahe, kasama na ang mga budol scams.
Sabi pa ng senador, madalas naloloko ang mga Pilipinong desperado sa panahon ng pandemya, at kung maisasabatas ang panukala ay masasala ang mga SMS o e-mail na matatanggap ng mamamayan.
“Marami po sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay at trabaho kaya ito pong sitwasyon ang sinasamantala ng mga nagpapadala ng spam messages. Kadalasan ay kakagat na lamang po sa pangako ng mataas na sahod, pero sa huli ay scam pala at ninakawan pa ng personal na impormasyon.”
Sa ilalim ng panukala, spam message ang isang mensahe kapag isa ito sa mga sumusunod:
1. Hindi hiningi ng makakatanggap ang SMS o tawag na may commercial o promotion
2. Nag-iinstall ng app o programa sa telepono o computer nang walang paalam sa may-ari
3. Naglalaman ng mali o hindi totoong mensahe
4. Iligal na kumukuha ng personal na impormasyon mula sa nakatanggap ng mensah
eAyon kay Villanueva, mapaparusahan ang sinumang lalabag sa panukalang ito kapag naging batas na, lalo na yung mga tao o kumpanyang patuloy na magpapadala ng text o e-mail kahit na “nag-opt out” na ang subscriber.
Layunin din ng panukala na atasan ang National Telecommunications Commission, National Privacy Commission at National Bureau of Investigation na tuloy-tuloy na mag-monitor para sa proteksyon ng mga konsyumer.
Inihain ni Villanueva ang SBN 2460 sa gitna ng laganap na text scam messages na natatanggap ng mga mamamayan nitong mga nakaraang buwan na nangangako ng trabaho na magbabayad ng P500 hanggang P8,000 kada araw.
Ayon kay Villanueva, madami itong nabibiktima lalo na sa panahon ng pandemya, at nanawagan sa publiko na wag magpaloko sa mga text scams na ito.