Villanueva, nanawagang ipagpatuloy ang resupply mission para sa mga Marines sa Ayungin Shoal
Hiniling ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na kaagad ipagpatuloy ang naantalang resupply mission sa sa mga sundalo ng Philippine Navy na kasalukuyang grounded o hindi makaalis sa Ayungin Shoal, ayon kay Senator Joel Villanueva.
Dagdag pa Villanueva, ang pagkabigo na makapaghatid ng supply tulad ng pagkain sa mga Marines ay magpapadala ng maling mensahe sa mga Pilipinong mangingisda na ngayon nga ay nahihirapang pumalaot sa West Philippine Sea dahil sa presensya ng mga dayuhan dito.
“Hinihintay ng mga kababayan nating mangingisda ang ating tugon dito kasi nakasalalay ang kanilang mga kabuhayan sa pangingisda sa West Philippine Sea,” anang senador.
“Kung barko at sundalo ng nga ng Republika ay hinaharang, paano na kaya silang naka-bangka lang? Hindi lang kabuhayan nila ang mawawala dito, maging pagkain sa hapag-kainan natin ay magkukulang na din,” dagdag niya.
“Kung barko at sundalo ng nga ng Republika ay hinaharang, paano na kaya silang naka-bangka lang? Hindi lang kabuhayan nila ang mawawala dito, maging pagkain sa hapag-kainan natin ay magkukulang na din."
Hinikayat ni Villanueva ang sinumang maghahatid ng tulong sa mga Marines sa BRP Sierra Madre na wag na lamang pansinin ang mga “scare tactics” ng mga sasakyang pandagat na haharang sa kanila.
“Kung hindi po makakarating ang pagkain sa mga sundalo natin sa BRP Sierra Madre, hindi lang sila ang magugutom. Tiyak po tayo na pati ang ating mga mangingisda ay mangangamba na maging biktima ng panggigipit ng Chinese coast guard.”
Tiwala naman si Villanueva sa garantiyang ibinigay ng embahada ng China sa Manila kay Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi sila manghihimasok sa mga supply ships na ipapadala sa Ayungin dahil baka magdulot ito ng pandaigdigang atensyon.
“Kapag namatay sa gutom ang ating mga sundalo, pangit ang itsura nito sa lahat. Hindi maganda tingnan para sa isang bansa na merong charm offensive sa buong mundo,” aniya.