Villanueva: Tatlong araw na nat’l vaxx drive, malaking tulong para sa mga 'jabless jobless'

Ang planong tatlong araw na bakunahan ng pamahalaan mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay isang malaking ‘booster shot’ na kailangan ng bansa upang mapataas pa ang bilang ng nabakunahan na hanggang ngayon ay hindi lumalagpas sa kalahati ng target na bilang, ayon kay Senator Joel Villanueva.

 

Ani Villanueva, chairman ng Senate labor committee, isa itong “one-time, big-time” na paraan dahil ang mga grand bakunahan na ito ay aabot sa mga nag-aalinlangan at nagdadalawang-isip na magpabakuna.

 

Isa sa mga prayoridad na grupo dapat matutukan sa bakuna ay ang mga manggagawa at mga job applicants dahil lamang sari-sarili nilang mga pamilya ang makikinabang, pati na rin ang buong ekonomiya ng bansa, paliwanag ng mambabatas.

“Yan po ang araw na pwede magkaroon ng caravan at motorcade ang mga supporters ng mga presidentiables na hindi lang magpapalaganap ng impormasyon, pero pwedeng maghatid-sundo na rin sa mga magpapabakuna."

Hinikayat ni Villanueva ang gobyerno na magsagawa ng mga “vaccination caravans” para maabot ang mga wala pang bakuna na hindi naaabot ng teknolohiya at walang internet connection.

 

Dagdag pa ng senador, makakabuti rin na mismong mga kandidato sa pagka-pangulo ang manawagan sa kanilang mga taga-sunod na magpabakuna sa tatlong araw na ito.

 

“Yan po ang araw na pwede magkaroon ng caravan at motorcade ang mga supporters ng mga presidentiables na hindi lang magpapalaganap ng impormasyon, pero pwedeng maghatid-sundo na rin sa mga magpapabakuna,” ani Villanueva.

 

“Wala pong pulitikal na kulay ang pagpapahalaga sa kalusugan, at naniniwala po tayo na ang pinagsamang lakas ng mga kandidato ay makakahikayat ng mas maraming kababayan natin na magpapabakuna,” dagdag pa niya.