Deputy Speaker Santos-Recto kay TESDAMAN: Suportahan ang mga kandidatong nagsusulong ng paglikha ng trabaho, kabuhayan
Sinangayunan ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang panawagang ni Senator Joel Villanueva na patuloy na isulong ang paggawa at paglikha ng trabaho, lalo na sa mga milyun-milyong Pilipinong nawalan ng kabuhayan bunsod ng pandemya.
Sa panayam ng mambabatas sa “AksyonTime” na umere sa A2Z noong Sabado, nagpahayag ng suporta si Santos-Recto sa mga adbokasiya ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee, na nakahanay rin sa kanyang programa at proyekto sa Batangas. Giit pa ng Batangas lawmaker ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga kandidatong nagsusulong sa mga paglikha ng trabaho dahil ito ay magiging mahalaga sa muling pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
Sinariwa ni Santos-Recto, isa sa mga deputy speaker ng Kamara, three-term governor ng Batangas at mayor ng Lipa City, ang importansya ng pagbibigay ng mga skills training at trabaho sa mga manggagawa, bagay na patuloy na isinusulong ni Villanueva.
“People are not asking for more or for millions. Our people only want to live comfortably, and by that, it means they are able to eat three times a day. Basta’t mayroong tamang trabaho ang ama ng tahanan, at kung minsan, pati ngayon ang nanay nila, kailangan nagtatrabaho na rin,” batid ni Santos-Recto kay Villanueva, na naging TESDA director general mula 2010 hanggang 2015 kung saan nagbuo at naglunsad ng iba’t ibang mga programa ang ahensya at Batangas provincial government.
Noong 2014, ipinatupad ng Batangas provincial government at TESDA ang Special Training for Employment Program (STEP), na isang community-based, specialized training program na nakadisenyong maglikha ng trabaho sa grass roots level. Libu-libong mga Batangueño mula sa mga bayan at lungsod ang mga nakinabang mula sa programa, ani Santos-Recto.
Binalangkas sa panunungkulan ni Villanueva bilang TESDA director general, binibigyan rin ng tool kits ang mga STEP beneficiaries upang makatulong sa kanilang bagong mga skills. Nakakatanggap rin ng stipend ang mga trainees na nagsisilbing kapital sa kanilang panibagong hanapbuhay
“Yung TESDA natin, nagbibigay ng training ‘yan. Nandoon lang sila sa mga barangay nila, munisipyo o lungsod nila kahit hindi na sila masyadong lumayo. Ilang days nilang pagdadaanan iyang training na yan, tapos through TESDA, may mga libreng toolkits pa for them to start. Na te-train natin sila kahit kaunti, mayroon silang mapagkakakitaan para sa pang araw-araw nilang panggastos,” dagdag pa ni Santos-Recto. “It’s one holistic approach, at ang ibinibigay nito ay ang pagkakataong magkaroon ng trabaho ang ating mga magulang.”
"Ngayong New Normal, training po ang kailangan ng ating mga manggagawa upang makasabay sa kasalukuyang pangangailangan ng ating labor market. We appeal to TESDA to utilize all its available resources and tap all sectors and well-meaning stakeholders such as private tech-voc institutes to train en masse our displaced workers. We cannot fail our people because we in the government are their last resort for assistance."
Sa tulong ng mga programa at proyektong ipinatupad noong termino ni Villanueva sa TESDA, mas nakilala ang kakayahan ng tech-voc education at training bilang isang paraan upang makakuha ng magandang trabaho. Dito rin binansagan si Villanueva bilang TESDAMAN.
Tinalakay rin nina Villanueva at Santos-Recto ang mga batas na kanilang isinulong tulad ng Doktor para sa Bayan law at Universal Healthcare Act. Ang Tupad Emergency Employment bill, na parehong isinusulong ng mga mambabatas, ay kasalukuyang tinatalakay rin sa Kongreso.
“Senator Joel, may I take this opportunity to thank you because I have learned a lot from you noong pinupuntahan mo ako sa kapitolyo and then thousands ‘yung mga kababayan natin doon sa gym at nag-share ka sa kanila kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng trabaho at kung paano magkaroon ng trabaho,” ani Santos-Recto
“We’re going to have a very crucial next year, crucial year and 2022 because of elections. Pinapanalangin ko po, bumoto po kayo, karapatan n’yo po yan at ipagdasal po natin, siguraduhin n’yong bigyan nating tiwala ang mga taong karapat-dapat. Kasi, malaki po ang maitutulong nila sa pagbawi nating lahat na makabalik tayo sa normal. We need to work as a team,” dagdag pa niya.
Ani Villanueva, mas tumingkad ang panawagan niyang magkaroon ng masusing monitoring ng National Employment Recovery Strategy (NERS), kung saan bahagi ang TESDA training programs sa retooling at reskilling efforts para sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya.
Lumala ang unemployment sa bansa noong Setyembre, kung saan tinatayang 4.25 million na manggagawa o katumbas ng 8.9% ng labor force, ang walang trabaho, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority na nilabas noong isang linggo.
"Ngayong New Normal, training po ang kailangan ng ating mga manggagawa upang makasabay sa kasalukuyang pangangailangan ng ating labor market. We appeal to TESDA to utilize all its available resources and tap all sectors and well-meaning stakeholders such as private tech-voc institutes to train en masse our displaced workers. We cannot fail our people because we in the government are their last resort for assistance," ani Villanueva.