Villanueva: Trabahong 'stable, dependable' ang dapat malikha sa NERS
Iginiit ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng paglikha ng regular at sustainable na mga trabaho sa ilalim ng National Employment Recovery Strategy (NERS) ng gobyerno, kung saan ipinakita ng Department of Labor and Employment sa kanilang datos na bahagya lamang natugunan nito ang malawakang kawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.
Bagama’t may nalikhang 780,119 na trabaho mula sa NERS Action Agenda na inilahad ng DOLE kamakailan, ipinunto ni Villanueva na tatlo sa pitong programang nabanggit sa ulat ay lumikha lamang ng short-term employment.
“Upon closer inspection of the report, the programs included the Government Internship Program (GIP), and the Special Program for Employment of Students (SPES). These are merely short-term employment, and not really new regular employment opportunities,” ani Villanueva, chairman of the Senate labor committee, sa budget briefing ng DOLE noong Lunes ng umaga.
“Kaya po matagal na natin hinihiling na gumawa ng scorecard ng trabahong nalilikha sa ilalim ng NERS. Gumawa po tayo ng talaan kung anong manggagawa ang kailangan ng industriya, at nasaan ang mga ito. We’ve sought clarification from DOLE to specify how many jobs were actually created under NERS since June this year,” paliwanag pa ni Villanueva.
“Hindi lang po pagsalba ng trabaho, hindi lang po panandaliang trabaho, kundi paglikha po ng matatag at pangmatagalang trabaho ang trabaho natin,” ayon sa mambabatas na nakatakdang iprisinta sa plenaryo ng Senado ang budget ng DOLE bilang vice chairman ng Senate finance committee.
"Upon closer inspection of the report, the programs included the Government Internship Program (GIP), and the Special Program for Employment of Students (SPES). These are merely short-term employment, and not really new regular employment opportunities."
Paliwanag pa ni Villanueva na ang GIP at SPES ay nagsisilbing pansamantalang employment para sa mga benepisyaryo.
Ayon sa website ng DOLE, ang GIP ay ang tatlo hanggang anim na buwang internship na bukas sa mga high school, tech-voc o college students na nais magtrabaho sa gobyerno.
Ang SPES naman ay ang youth-employment bridging program na nagbibigay ng pansamantalang empleyo sa mga mag-aaral para makatulong sa kani-kanilang mga pamilya.
Muling iminungkahi ni Villanueva sa DOLE na gumawa ng talaan ng mga trabaho nalikha sa ilalim ng NERS upang madaling ma-monitor ang progreso ng mga programa.
"I know that NERS is an inter-agency or whole of government initiative but let us reach for our targets, specifically for DOLE. Ilan po ba ang malilikhang mga bagong trabaho ng ahensya? Ilan po kada industriya? Ilan po kada rehiyon? Ilan po kada probinsya?" Villanueva said. "Kwentas klaras po sana para hindi “false hope” ang maiparating natin sa ating mga kababayan."
Umabot sa 8.1 percent o tinatayang 3.88 milyon ang unemployed noong Agosto, habang 14.7 percent o tinatayang 6.48 milyon ang underemployed.