Villanueva, isinusulong ang ‘Jobs, Jobs, Jobs’ sa kanyang reelection bid

Naghain ng kanyang certificate of candidacy si Senator Joel Villanueva at sinimulan ang kanyang reelection bid, na naka-angkla sa panunumbalik ng trabaho sa milyun-milyong Pilipino nawalan ng hanapbuhay bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

“Trabaho po ang lagi nating tinatrabaho sa Senado. Kaya ngayon pong araw na ito, ako po ay nag-apply muli ng trabaho bilang inyong empleyado sa Senado sa pangalawang termino. Nais po nating ipagpatuloy ang ating mga ginagawa. Lalong-lalo na po ngayon sapagkat naniniwala tayo at this point in time mas kailangan ng TESDAMAN sa Senado,” ani Villanueva matapos niyang ihain ang kanyang COC sa Sofitel Harbor Garden Tent noong Miyerkules.

 

“Dahil po sa pandemya ang kailangan ay tuloy-tuloy ang paggawa at paglikha ng trabaho,” ani Villanueva, chairman of the Senate labor committee.

 

Pumangalawa si Villanueva sa 2016 senatorial elections at nagtala ng 18,459,222 na boto.

 

“Hindi lang po ito mga numero, kundi sila po ang mga kababayan nating nakasama sa mga tumaya at nagsulong ng misyon ni TESDAMAN,” aniya. “Sila po ang dahilan kaya perfect attendance tayo sa Senado at hindi tayo umabsent kailanman.”

 

“Naghain po tayo at nagsumite ng 500 bills and resolutions at 82 dito ay ganap na batas na. Opo, Republic Acts na po ang work from home law, free tuition law, ang Doktor para sa bayan law, First Time Jobseekers Law, Tulong Trabaho Law at marami pang iba,” ayon kay Villanueva.

“Trabaho po ang lagi nating tinatrabaho sa Senado. Kaya ngayon pong araw na ito, ako po ay nag-apply muli ng trabaho bilang inyong empleyado sa Senado sa pangalawang termino. Nais po nating ipagpatuloy ang ating mga ginagawa. Lalong-lalo na po ngayon sapagkat naniniwala tayo at this point in time mas kailangan ng TESDAMAN sa Senado."

Sa pamamagitan ni Villanueva, tinaas ang pondong inilaan sa emergency employment program ng gobyerno, ang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa P19 bilyon ngayong taon mula P6 bilyon noong 2020.

 

Isinusulong rin ni Villanueva ang pagtataguyod ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos na maglalagay sa “isang bahay” ang lahat ng serbisyong ibinibigay ng gobyerno sa lahat ng mga OFW.

 

“Tayo rin po ang arkitekto ng dine-deliberate ngayon siguro in the next couple of weeks ay magiging ganap na batas na ito pong Department of Overseas Filipino Workers. Hindi lang po nais nating magkaroon ng blueprint kundi gusto natin every step of the way sa pagtatayo ng bahay na ito andun po tayo," Villanueva said.

 

Bilang Senate labor committee chairman, isinulong ni Villanueva ang Ending Endo bill noong 17th Congress, at matagumpay niyang dinepensahan ito sa plenaryo na nagresulta sa pagpasa nito noong Mayo 2019. Sa kasamaang palad, na-veto ang Ending Endo bill, na sertipikadong urgent, noong July 26, 2019.

 

Nais rin matyagan ni Villanueva ang National Employment Recovery Strategy, nainilungsad ng gobyerno upang ihanda ang mga manggagawa sa mga pagbabagong bunsod ng new normal. Tinatayang 220,000 na trabaho ang malilikha ng programa at tutulong sa tinatayang 1.4 million na manggagawa.