Villanueva, muling kinwestyon ang hindi pagbayad ng SSS, PhilHealth, Pag-ibig contributions ng Pharmally para sa mga empleyado nila

Muling kinwestyon ni Senator Joel Villanueva ang hindi pagbayad ng government-mandated contributions ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na nakakuha ng bilyun-bilyong halaga ng COVID-19 supply contracts mula sa gobyerno.

 

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Martes, ipinakita ni Villanueva ang iba’t ibang mga dokumento mula sa Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-ibig na nagpapakitang hindi nagbayad ng maayos ang kumpanya para sa kanilang mga empleyado noong 2020.

 

“It’s either you are fooling your employees or you are fooling the government or both. Unfortunately, these records would not lie. Mr. Chairman, I am just stating this, not only because of the fact that Pharmally only hired seven to 11 employees, but during this time, this committee emphasized the importance of hiring Filipinos first,” ani Villanueva, chair ng Senate labor committee.

 

“In Bayanihan 2, the law that we passed, Mr. Chairman, malinaw po na dapat unahin dapat ang mga Pilipinong manggagawa. Doon sa statements ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines, nag-repurpose po sila. Ginawa nila lahat ng magagawa nila para maka-hire ng mga Pilipino. Ano po ang nangyari sa kanila noong 2020? They lost 25,000 jobs. Ang kapalit, ito po, hindi nag-cocontribute man lang sa mga government mandated contributions,” patuloy ng mambabatas.

 

“It’s either you are fooling your employees or you are fooling the government or both. Unfortunately, these records would not lie. Mr. Chairman, I am just stating this, not only because of the fact that Pharmally only hired seven to 11 employees, but during this time, this committee emphasized the importance of hiring Filipinos first.”

“Indeed, they are not contributing to the government-mandated contributions, PhilHealth, SSS and Pag-Ibig,” ani Villanueva habang idinetalye ang mga dokumento sa pagdinig. “Kapag hindi po nag-cocontribute sa SSS, Philhealth at Pagibig, marka po iyan ng isang fly-by-night na kumpanya.”

 

Sumulat ang SSS sa Blue Ribbon Committee noong Setyembre 13, 2021, at sinabing nagsimula lang magbayad ang Pharmally ng SSS contributions para sa kanilang mga manggagawa noong Nobyembre 2020.

 

Nagpadala rin ang liham ang PhilHealth at Pag-ibig noong Setyembre 24, 2021 kung saan sinabi nila na nagsimula lamang ang Pharmally magbayad ng mandatory contributions ng kanilang mga empleyado noong Nobyembre 2020 rin.

 

Nakuha ng Pharmally ang halagang P12 bilyon na mga kontrata upang mag-supply sa gobyerno ng surgical masks, PPE sets at COVID testing kits na kalaunang natuklasan na mas mahal kumpara sa binebenta ng ibang kumpanya. Natuklasan rin sa pagdinig na nagsilbing “middle man” ang Pharmally sa pagitan ng manufacturers at ng gobyerno.

 

Pinunto rin ni Villanueva na ayon sa 2020 audited financial statements ng PHarmally, nagbayad diumano ang kumpanya ng P1.34 milyon sa “employee benefits” para sa buong 2020, bagay na kinekwestyon ng mambabatas dahil malinaw sa mga sertipikasyon ng SSS, PhilHealth at Pag-ibig na nagsimula lang magbayad ang Pharmally ng contributions noong Nobyembre 2020.