Villanueva: Vaccine jabs sa mga manggagawa, susi sa panunumbalik ng trabaho at ekonomiya


Iginiit ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga manggagawa upang mapadali ang muling pagbubukas ng ekonomiya at pagbabalik ng trabaho.

 

“We should focus not only on jobs, but also on jabs,” ani Villanueva. “But first, we should face our problems and deal with them squarely.”

 

Nagbigay ng talumpati si Villanueva sa 2021 congress ng Public Employment Service Office (PESO) managers nitong Setyembre 23. Ang PESO ay itinatag sa mga local government units sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Trabaho ng PESO ang pagtipon ng datos sa mga job opening, pagtutugma nito sa mga manggagawang walang trabaho, at pagbibigay ng mga seminar at counseling sa mga naghahanap ng trabaho.

 

Ayon sa pinakahuling tala ng gobyerno, umabot ang antas ng unemployment sa 7.7 percent o 3.76 milyong Pilipino, habang ang underemployed ay tumaas sa 14.2 percent mula sa 12.3 percent noong Mayo.

“We should focus not only on jobs, but also on jabs. But first, we should face our problems and deal with them squarely.”

“Katumbas ng underemployment rate ang 6.41 milyong Pilipino,” ani Villanueva. Masasabing underemployed ang manggagawa kapag nagkaroon ng pagbabawas sa oras ng trabaho na nagresulta sa mas mababang sahod o paycut.

 

Isang resulta ng pandemya ay ang tila panibagong pre-employment requirement na ang bakuna, na nilarawan ng mambabatas bilang “nagbabadyang employment issue.”

 

Tinukoy ni Villanueva bilang “sign of hope” ang private sector-led vaccination programs tulad ng dinaluhan niya kamakailan.

 

“Damang-dama ko ang mga empleyado habang pinagmamasdan ko silang nakapila para tumanggap ng bakuna,” Villanueva said. “May sinasabi ang bawat kilos at galaw nila. May matatakbuhan ako. Ligtas ako. May laban na ako,” ani Villanueva nang ikinuwento niya ang kanyang pagdalo sa vaccination kick-off ng San Miguel Corp.

 

Dumalo rin si Villanueva sa pagbabakuna sa Magsaysay Maritime Corp. para sa mga seafarers noon Hunyo 17.

 

“Some of them are lucky because their ships or manning agencies have vaccination programs especially for Filipino seafarers working in cruise ships,” ani Villanueva. “But many still need to be vaccinated before they can board ships. Most of the time, it’s to each his own for them in lining up at LGUs.”