Villanueva, pinarangalan ang mga Olympic medalists na ginawaran ng Senate Medal of Excellence
Binigyan ng pagpupugay ni Senator Joel Villanueva ang mga kauna-unahang mga indibidwal na gagawaran ng Philippine Senate Medal of Excellence—mga Olympians na sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Eumir Marcial and Carlo Paalam—at inilarawan sila bilang mga bayaning nagbigay ng tanglaw sa bansang binalot lagim ng pandemya.
Pinuri ni Villanueva ang mga atleta sa kanilang “natatanging pagtatanghal sa Tokyo Olympics na kumakatawan sa mga pangarap ng bawat Pilipino—na tibagin ang mga balakid at iangat ang karangalan ng Pilipinas.”
“Ang tagumpay ng ating mga atleta ay ‘di rin nalalayo sa paniniwala natin noon pa man sa TESDA: Kapag sapat at de-kalidad ang training, malayo ang mararating ng Pilipino. At kapag ang isang Pilipino ay nagsumikap nang husto, kaya niyang manalo, at abot-kamay ang masayang pagbabago,” ani Villanueva, dating TESDA director general na nakilala sa kanyang mga nagawa upang maiangat ang kakayahan ng mga Pilipino para maging pantay sa world standards.
“Starstruck po tayo, hindi lang bilang isang dating atleta na kumatawan sa atin bayan, ngunit bilang isang Pilipino, starstruck po tayo ngayong kapiling natin ang ating mga bayani,” dagdag pa ni Villanueva na lumaro dati para sa national basketball team.
“Sinasalamin ng kanilang mga kuwento ang lakas at tibay ng loob nating mga Pilipino. Sila ay mga bayaning nagsilbing tanglaw sa dilim na bumabalot sa ating bayan ngayon pandemya,” aniya.
Nagpugay si Villanueva kay Diaz, ang kauna-unahang atletang Pilipino na nakagamit ang gintong medalya sa Olympics matapos Manalo sa 55-kg weightlifting competition sa Tokyo Games noong Hulyo 26.
“Ang tagumpay ng ating mga atleta ay ‘di rin nalalayo sa paniniwala natin noon pa man sa TESDA: Kapag sapat at de-kalidad ang training, malayo ang mararating ng Pilipino. At kapag ang isang Pilipino ay nagsumikap nang husto, kaya niyang manalo, at abot-kamay ang masayang pagbabago.”
Pinarangalan rin ni Villanueva si Petecio, ang kauna-unahang Pilipina na nanalo ng Olympic boxing medal sa women’s featherweight finals noong Agosto 3.
Pinuri rin ni Villanueva sina Marcial, na nanalo ng bronze medal sa middleweight division noong Agosto 5, at si Paalam, na nakamit ang pilak sa flyweight division.
“Hindi po ba’t tuwing sumusuntok sina Nesthy, Eumir at Carlo, nagngangalit din ang mga ugat natin sa braso, kasabay ng pagkuyom ng ating mga kamao na tila baga gusto na rin nating sumabak sa laban,” ani Villanueva.
“Ganyan daw po ang mga tunay na bayani, nakahahawa ang kanilang determinasyon!” ayon sa mambabatas.
“Kaya’t natatangi at makasaysayan ang araw na ito dahil ang mga kauna-unahang Pilipinong pararangalan ng Philippine Senate Medal of Excellence ay mga kabataang atleta,” dagdag pa niya.
“Bilang kauna-unahang mga indibidwal na pinarangalan ng Senate Medal of Excellence, nag-iwan na ng marka sina Hidilyn, Nesthy, Eumir at Carlo hindi lamang sa kasaysayan ng Pilipinas, kung hindi sa puso ng 110 milyong Pilipino,” Villanueva added.