SENATOR JOEL VILLANUEVA'S MANIFESTATION ON THE CELEBRATION OF THE NATIONAL TECH-VOC DAY

Mr. President and distinguished colleagues:

 

Let me be the first one to greet you all with a Happy National Tech-Voc Day!

 

This year is the 4th year we celebrate this Special Working Holiday since we legislated Republic Act No. 10970 in 2017.

 

As your Tesdaman, I feel obliged to report the progress in implementing this measure. If you recall, in 2019, we brought the entire TVET sector here in the Senate through exhibits and skills demonstrations, especially on robotics, mechatronics, animation, and coffee-making.

 

Sadly, Mr. President, we cannot showcase new technologies today, especially ICT-enhanced innovative pedagogies in TVET, but I think we can all agree on how vitally important Tech-Voc is in beating COVID-19.

 

Araw-araw po tayong nagpapalit ng face mask, gayundin ng PPE ang mga naka-duty sa ospital. Kung walang mga mananahi at factory workers, wala tayong magagamit na proteksyon.

 

Kailangan po ang mga doktor, nurse, at siyentista, subalit kung wala ang mga technician ay hindi rin mapatatakbo ang mga makina at aparatong kailangan sa pagsalba ng buhay.

 

Tuwing may lockdown, mga drivers, riders, at entrepreneurs ang ating takbuhan. Huminto po ang maraming aspeto ng ating buhay pero ang pangangailangan sa mga mekaniko, electrician, welder, BPO worker, cook, at iba pang TESDA especialista, nananatili.

 

Paboritong analohiya ko po para sa tech-voc ang swiss army knife dahil kahit saan, kahit kailan, maaasahan natin ang tech-voc.

 

Ngayong tumatao sa bahay ang marami nating kababayan, maraming naka-realize na kailangan pala talagang may tech-voc skills.

 

Kapag halimbawa, nasira ang appliances mo, kahit anong butingting ang gawin mo, kung hindi mo kaya o alam paandarin, at wala kang tech-voc knowledge and skills, hindi mo ito mapapaandar.

"Imagine, Mr. President, kung mabibigyan natin ang lahat ng quality and world-class tech-voc training, marami po ang pwedeng makapagsimula ng negosyo, umangat sa trabaho, at magkaroon ng magandang buhay.."

Kahit po ang mga plantito’t plantita, kailangan ng basic knowledge on gardening at mas lalo na kung gumagamit ng vertical or rooftop farming.

 

Mr. President, we believe that tech-voc can outsmart COVID-19; tech-voc can help our economy build back better!

 

From 2010 to July 2021, almost 21.8-million Filipinos enrolled in various tech-voc courses, while 19.8 million graduated. Seven out of every ten tech-voc graduates find well-compensated jobs just six months after graduation.

 

The TESDA Online Program that we started in TESDA in 2012 now has over 3 million registered users, including Overseas Filipino Workers.

 

Imagine, Mr. President, kung mabibigyan natin ang lahat ng quality and world-class tech-voc training, marami po ang pwedeng makapagsimula ng negosyo, umangat sa trabaho, at magkaroon ng magandang buhay.

 

With the new normal and the Fourth Industrial Revolution, tech-voc re-skilling, cross-skilling, and upskilling of workers are of utmost necessity.

 

As we celebrate the National Tech-Voc Day and the 27th Founding Anniversary of TESDA, our provincial and district offices are conducting a National TVET Enrollment for various tech-voc scholarship programs.

 

Kailangan pong ibalik at patibayin ang pag-asa ng ating mga kababayan.

 

Kahit po may pandemya, tuloy-tuloy pa rin ang pag-aalok ng trabaho ng ating mga PESO at paghahanap ng Bureau of Local Employment ng DOLE ng mga job vacancies na naka-upload lahat sa ating PhilJobNet.

 

Bilang panghuli, ang inyo pong Tesdaman sa Senado ay nagpapasalamat at sumasaludo sa lahat ng mga tech-voc graduates, mga tech-voc institutions, at mga kasamahan natin sa industriya sa pagbibigay halaga at pagpapatuloy ninyo sa misyong ating sinimulan.

 

Alam ko po na kaisa ang buong Senado sa misyong ito na burahin ang second-rate status ng tech-voc sa kaisipan ng ating mga kabataan, at magkaroon ng masayang pagbabago sa tulong ng tech-voc.

 

Muli, Happy National Tech-Voc Day! God bless us all!