Villanueva, nagpaabot ng pagbati sa pagkapanalo ni Yuka Saso sa US Women's Open
inuri ni Senator Joel Villanueva si Yuka Saso sa kanyang pagkapanalo sa 76th U.S. Women’s Open golf championship na ginawa sa Olympic Club sa San Francisco.
Ayon kay Villanueva, na kapwa Bulakenyo ng atleta, hindi lang karangalan para sa bansa ang hatid ni Saso sa kanyang panalo kundi inspirasyon na din para sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya.
“Binabati po natin si Yuka Saso, na tubong San Ildefonso, Bulacan, sa kanyang tagumpay. Si Yuka Saso po ang unang Pilipinong nanalo sa prestihiyosong paligsahang ito, at isa sa pinakabata sa kasaysayan nito ng tournament,” dagdag pa ng senador na siya ring chair ng Senate labor committee.
“Nagawa niya ito ng buong sigla at gilas laban sa world-class na mga katunggali! Hindi po biro ang pagsubok na pinagdaanan niya dito. Kaya sana ay ma-inspire tayong lahat kay Yuka na kayanin din natin ang mga pagsubok na ating hinaharap ngayon.”
Ang panalong ito ni Saso, ani Villanueva, ay isang magandang balita para sa isang bansang patuloy ang paglaban sa pandemya.
“Nagawa niya ito ng buong sigla at gilas laban sa world-class na mga katunggali! Hindi po biro ang pagsubok na pinagdaanan niya dito. Kaya sana ay ma-inspire tayong lahat kay Yuka na kayanin din natin ang mga pagsubok na ating hinaharap ngayon,” ani Villanueva.