Statement of Senator Joel Villanueva on community pantries

Community pantries should draw official support, not government suspicion. Imbis na paghinalaan, a public official, if he is true to his oath, must instead shower these bayanihan projects with PDA–public display of affection–as these are perfectly aligned with what the government is doing to help Filipinos cope with the pandemic.  

 

Because it is based on kindness and kinship, this is the kind of PPP, or Public People Partnership, that we need today.

 

I humbly appeal to our colleagues in government to help and support these pantries instead of asking the people to stay away from these. May I gently remind them that in times when food is scarce and aid is sporadic, it is the worst kind of “social distancing advice” that could come from a public official.

“I humbly appeal to our colleagues in government to help and support these pantries instead of asking the people to stay away from these. May I gently remind them that in times when food is scarce and aid is sporadic, it is the worst kind of "social distancing advice" that could come from a public official.”

Filipino:

 

Suporta, hindi suspetsa. Ito ang dapat na tugon natin sa mga community pantries na walang ibang layunin kundi ang tumulong sa kapwa.

 

Imbis na paghinalaan, dapat paulanan ng ibayong suporta ang mga “bayanihan projects” na ito dahil ito ay sumasang-ayon sa layunin ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan na labanan ang pandemya.

 

Ang mga ito ay nagmula sa kabutihan at nag-ugat sa ating konsepto ng pagtutulungan sa komunidad, mga katangian na dapat nating pinapalakas at inuudyukan.

 

Nananawagan tayo sa ating mga kasamahan at katrabaho sa gobyerno na tulungan at pagtibayin po ang mga community pantries na ito, sa halip na ilayo ang mga tao sa tunay na diwa ng pakikipagkapwa. Nais po nating ipaalala na sa panahon na ang mga mamamayan ay salat sa pagkain at hindi sapat ang tulong na dumadating, hindi magandang payo ang lumayo sa mga taong ang nais lamang ay tumulong.