OPENING REMARKS
Magandang araw po sa ating lahat.
Nang mag-pork-holiday po at halos walang baboy sa mga palengke, marami po ang na-alerto. Ramdam po ‘yung epekto hanggang sa mga karinderia at hapag-kainan. Napakalapit po talaga ng isyung ito sa sikmura ng mga Pilipino.
Kapag ang krisis po tumama na sa presyo at suplay ng pagkain, alam po ng mga Pilipino na ang “accountability” ay nasa gobyerno. Kapag tinimbang po ang mga dahilan, makikita po talaga ang kapabayaan ng ating mga ahensya at maging sa kagawaran.
Una, gusto po nating malaman kung nagkaroon nga ng kapabayaan kaya sumirit ang presyo ng karne ng baboy sa gitna ng outbreak ng African swine fever (ASF). July 2019 pa lang, bago pa ang COVID-19, tumama na ang African Swine Fever sa ating mga babuyan. Pero kumalat po ‘yan sa 40 probinsya sa kasagsagan ng pandemya.
It seems that we allowed an imported virus to kill our local pigs by letting too much imported pork finish off what is left of our hog industry. The national swine inventory is down by 3 million heads. Piggeries have been emptied of one-fourth of their stocks. This 25-percent plunge in the livestock population translates to a 100-percent bankruptcy rate in many pig farms. Biyak na po pati kanilang piggy banks.
Sa amin po sa lalawigan ng Bulacan, bumagsak po ng one-third ang production ng baboy noong nakalipas na taon, at one-fourth naman ang pag-sadsad sa buong Central Luzon. P8,000 po ang nawalang kita sa kada ulo ng baboy, pero hindi pa po kasama dito ang naipundar na kapital o utang para makabili ng feeders, vitamins, at iba pa.
Pangalawa, kapabayaan din po ba kung bakit noon pa palang 2018, pinayagan na ng mga opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagpasok ng karne ng baboy sa mga mga bansang naka-ban sa Pilipinas. Iligal po kasi ito at klarong paglabag sa mga Memorandum Order ng DA tungkol sa ban sa importation ng mga karne mula sa iba’t ibang bansa na may mga kaso na ng ASF.
“Kung ang isa pong solusyon na inirerekomenda ng DA sa mga magbababoy ay mag-shift sa aquaculture, we are in trouble. It’s like asking a black bug-hit rice farmer to go buy a boat and start fishing. Huwag naman po nating i-slaughter ang kabuhayan nila. ”
Pero ang mas malaking trahedya po ay ang pag-iingay ng ilang mga negosyante na ang tanging solusyon ay ang pag-aangkat ng karne ng baboy. Those who are about to make a big killing on imports are the ones doing the loud squealing. If they will dominate and dictate the policy discussion, then pig farmers, sellers, and consumers are simultaneously fighting three enemies known by their popular initials: ASF, COVID, and, it appears, DA.
Kung ang isa pong solusyon na inirerekomenda ng DA sa mga magbababoy ay mag-shift sa aquaculture, we are in trouble. It’s like asking a black bug-hit rice farmer to go buy a boat and start fishing. Huwag naman po nating i-slaughter ang kabuhayan nila.
Pangatlo, gusto rin po nating alamin kung kapabayaan ding maituturing kung bakit may mga aksyon na hindi direktang tumutugon sa impact ng ASF sa ating mga hog raisers tulad ng price cap, pagtaas ng Minimum Access Volume (MAV) allocation sa pag-import at ngayon naman ang pagpapababa ng taripa o buwis.
ASF is a global issue, yes, but its impact on our food security is a local problem which must have a local solution. In order of priority, unahin po natin ang pagsugpo sa ASF at pagtulong sa mga magbababoy. Dito lang po sa Bulacan, I was informed na tila naubos na ang mga commercial hog farms. At kahit may pautang, halos wala namang nangangahas kumuha dahil nangangamba sila kung kakayanin nila itong bayaran nang walang direktang suporta mula sa gobyerno.
Kaya ang gusto po nating itanong sa Department of Agriculture: Ano po ang farm-level solutions n’yo? Ano po ang farmgate interventions nyo maliban sa pag-alis ng tariff walls?
Ang industriya po ng baboy ang second leading contributor sa ating sektor ng agrikultura. At ngayong matumal ang produksyon dahil sa African Swine Fever na sinabayan pa ng isyu ng korapsyon at technical smuggling ng baboy, hindi po ba nararapat lang na dito magbuhos ng tulong ang gobyerno para makapag-repopulate sila sa halip na itulak silang magtiklop ng negosyo?
Nandito po tayo ngayon dahil kailangan po nating humanap ng mga alternatibong solusyon kasama na po ang ating apela na i-reconsider ang EO 128. Kailangan pong maglatag ng mga konkretong plano ang gobyerno. Kailangan po ng totoong ayuda na sasagip sa ating mga magbababoy.
Salamat po. God bless us all.