Villanueva sa IATF: Isama sa ECQ guidelines ang planong magiibsan sa dagsa ng COVID patients sa mga ospital

Hiniling ni Senator Joel Villanueva mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) kontra COVID-19 na palawigin ang ECQ directives nito upang maisama ang isang “urgent plan” kung paano maiibsan ang pagbuhos ng mga pasyente sa mga ospital.

 

Ani ni Villanueva, “completely overwhelmed” na ang mga ospital sa Metro Manila at sa mga karatig probinsya, pribado man o pampubliko, dahil na rin sa record-breaking surge ng isinusugod dahil sa COVID-19.

 

“Maraming ospital ang may karatula na sa pintuan na hindi na tumatanggap ng COVID-19 patients. Sa isang pasyenteng naghihingalo, ito na ang pinakamasakit mong mababasa. Ano kaya po ang magandang solusyon dito?” tanong ni Villanueva sa IATF.

 

Dagdag pa ng senador, mas mainam kung may “battle plan” ang IATF na babalangkas kung paanong matutulungan ng gobyerno ang mga ospital, kasama na ang mge healthcare frontliners, na sa ngayon ay hindi na rin makagulapay sa patuloy na pagbuhos COVID-19 cases sa kanilang mga institusyon.

“Mukhang ito po ang missing link doon sa IATF advisory. Sana naman maihabol ito kaagad. Kung maihahalintulad natin ang mga ospital sa isang pasyente sa ER, sila din po ay kailangan ng urgent care at lunas”

 

Naglabas ang IATF ng guidelines para sa isang linggong ECQ sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna nitong Sabado ng gabi.

 

“Mukhang ito po ang missing link doon sa IATF advisory. Sana naman maihabol ito kaagad. Kung maihahalintulad natin ang mga ospital sa isang pasyente sa ER, sila din po ay kailangan ng urgent care at lunas,” ayon kay Villanueva, chair ng Senate labor committee.

 

Ani Villanueva, kung nagpatupad ng ECQ dahil sa panawagan na rin ng ating mga medical frontliners, sana ay mayroon ding konkretong plano para ikagiginhawa nila.

 

“Halimbawa, paano makakatulong ang pamahalaan sa restocking ng ating hospital pharmacies ng mga gamot sa COVID-19? Kailangan ba nating mag-SOS sa mga kapitbahay natin sa ASEAN? Halimbawa lang ito ha ng mga bagay na dapat isinama ng IATF sa kanilang pagpapatupad ng ECQ,” dagdag ni Villanueva.