OPENING REMARKS Department of Overseas Filipino (DOFIL)
Maganda at mapagpalang araw po.
This is our 4th public hearing on the DOFIL, including that hearing in December 2020 before the bill was certified by the President. One of the eleven (11) bills in consideration is SB 1949 which is certified as urgent by the President.
The focus of the last two hearings was recruitment, red-tape, and response to emergencies. Today, emphasis is on repatriation and reintegration.
Ito pong “5Rs” na binanggit ko ang mga pangunahing kabanata sa kwento ng bawat isang OFW.
Uulitin ko po, mula doon sa recruitment, doon sa red-tape and responses to emergencies, hanggang sa repatriation and integration.
Tingin ko po, kailangan talagang talakayin natin ang bawat kabanatang ito para mabuo ang tamang “blueprint” ng Department of Filipino Overseas na magiging bahay ng ating mga overseas Filipinos.
On the repatriation side, we want to look into OFWs displaced by the pandemic as well as circumstances other than COVID-19.
Ilan po ba talaga ang nakapila sa repatriation? Ilan na ang na-repatriate? At ilan ang talagang gustong mag-stay on-site?
More importantly, paano ba natin ginagawa ang repatriation and what innovation can we bring into DOFIL? Sa ngayon, dapat may klasipikasyon ang isang Pilipino para malaman kung anong ahensya ng gobyerno ang sasaklolo kapag documented DOLE o OWWA, kapag hindi documented DFA at OUMWA . Para mawala na ang kalituhan, hindi ba magandang isa na lang, itong DOFIL na lang? Later we will hear from our resource persons and Cab Sec Nograles to say something about this.
Ito pong paglalagay ng cap na 1,500 passengers per day is definitely not a good innovation strategy.
Ang dami na pong nakapila, parang limang Airbus 350 lang ang gusto nating lumapag sa NAIA kada araw. Parang ang gusto nating mangyari ay padaanin sa imbudo ang ating mga kababayan.
‘Yun pong mga naipit sa lockdown dito sa atin, ilang araw lang na hindi makauwi sa bahay nila, balisang-balisa na. Paano pa ‘yung nasa ibang bansa ka?
Ang importante po ay testing, quarantine, at pag-aralan kung paano pa mapapalaki ang available na pondo ng OWWA. We would like to talk about it later para sa repatriation.
Gaya po ng pag-singil nila sa recruitment agencies dapat na ibalik ang mga ginastos ng gobyerno sa pagpapauwi ng mga OFWs na kanilang dineploy, hindi ang paglalagay ng limit sa mga Pilipinong gusto nang makasamang muli ang kanilang pamilya.
“Tingin ko po, kailangan talagang talakayin natin ang bawat kabanatang ito para mabuo ang tamang “blueprint” ng Department of Filipino Overseas na magiging bahay ng ating mga overseas Filipinos.”
Pero ang mas malaking isyu po ngayon ay ang re-integration. Sa dami po ng umuuwi sa Pilipinas, hindi makaalis, o wala ng babalikang trabaho abroad, ano ang ginagawa naman natin para sa kanila?
Mayroon bang skills training, job referral o programa para mapakinabangan ang dala nilang kaalaman, expertise at teknolohiya?
Hindi po ang pagpapadala ng remittance ang ending ng buhay-OFW. Uuwi’t uuwi po ang ating mga kababayan at ‘yung ipon nila hindi naman pang-habambuhay lalo pa’t one-third lang ng mga OFWs ang may “savings” sa remittances nila ayon sa Bangko Sentral.
If we follow the journey of an OFW – from recruitment to reintegration, we could better understand their needs.
During the pandemic, we heard stories after stories of OFWs who can give us the right specs of the house we’re building for them, just to name a few—
· Si “Mary Joy”, isang gurong bound for Mongolia ang muntik ng mawala ang job offer dahil sa tagal ng pag-certify ng employment contract n’ya at re-scheduling ng appointment sa POEA.
· Sa Tabuk, Saudi Arabia, isang kababayan nating laboratory technician ang nakaranas ng depression at extreme homesickness pero hindi n’ya alam kanino hihingi ng tulong, sino ang tatawagan.
· Si “Joy”, isang Hotel staff ang napilitang umuwi last November. Bagamat nabigyan ng P10,000 mula sa DOLE AKAP wala namang narinig tungkol sa skills training, livelihood assistance o kahit anong job referral lalo pa’t nagsarado na pinagtatrabahuhang hotel sa Maldives.
· Swerteng nakasakay ng cargo vessel ng Maersk si “Jay-Ar” na isang seaman ilang araw bago tumama ang pandemya noong isang taon. Dire-diretsong siyam na buwang may kita, dire-diretso ring anim na buwang walang kita ngayong naka-bakasyon siya. Kaya bukod sa pagpapabalik-balik sa manning agency nila sa Ermita para sa mga training, wala ring tigil ang paghahanap n’ya ng part-time job para makahulagpos po doon sa gutom at para masuportahan ang kanyang mahal sa buhay.
Ang “saya” ng family reunion, isang araw lang. Kinabukasan, problema na naman kung anong pwede nilang pagkakitaan o pagkaabalahan na dapat ay klaro sa ating National Reintegration Program, kung mayroon man.
Amid the pandemic, we are given the opportunity to fix the system. We believe that the DOFIL is the right solution and the right direction but let us all be truthful and share not only a statement of support but also information and the willingness to give up certain powers to capacitate DOFIL to truly serve our overseas Filipinos.
Muli, maraming salamat at magandang umaga.