Villanueva, hinimok ang IATF na pabilisin ang roll-out ng bakuna, at isama ang essential workers sa mga bibigyan

Hiniling ni Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva sa IATF na pabilisin pa ang roll out ng bakuna laban sa COVID-19 upang makasabay na rin sa mga mabibigyan ng proteksyon laban sa sakit ang mga essential workers.

 

Ayon kay Villanueva, pinuno ng Senate labor committee, tanging ang pagbabakuna ng mga medical frontliners at essential workers ang nakikita niyang solusyon para ibalik ang sigla ng ekonomiya at ang mga trabahong nawala dahil sa pandemya.“Ang tanging paraan ngayon upang muling buhayin ang ekonomiya at ibalik ang mga nawalang trabaho at oportuninad, lalo na sa ating mga manggagawa at MSMEs, ay nakasalalay sa agarang roll out ng vaccination program. Muli nating dinidiin na ang ating mga essential workers—ang frontliners ng ating ekonomiya—ay dapat isunod sa pila pagkatapos ng ating mga medical frontliners,” ani Villanueva.

 

Ginawa ni Villanueva ang pahayag matapos ipalabas ng Philippine Statistics Authority nitong Martes ang pinakahuling tala ng unemployment sa bansa. Ayon sa PSA, umabot sa 10.3% ang unemployed noong 2020, o katumbas ng 4.5 milyon na manggagawang nawalan ng trabaho.

“Ang tanging paraan ngayon upang muling buhayin ang ekonomiya at ibalik ang mga nawalang trabaho at oportuninad, lalo na sa ating mga manggagawa at MSMEs, ay nakasalalay sa agarang roll out ng vaccination program. Muli nating dinidiin na ang ating mga essential workers—ang frontliners ng ating ekonomiya—ay dapat isunod sa pila pagkatapos ng ating mga medical frontliners,”

Dagdag pa ni Villanueva na mas praktikal ang pagbabakuna kumpara sa pamamahagi ng ayuda, dahil protektado ang isang indibidwal na matuturukan ng gamot laban sa COVID-19. Tiyak na mas mabilis manunumbalik ang trabaho kapag dumami na ang nabakunahan dahil ma-eenganyo ang mga mamumuhunan na muling buksan ang kani-kanilang mga negosyo, ayon sa senador.

 

Diin ni Villanueva ang kahalagahan ng hanay ng mga essential workers, tulad ng mga tindera sa palengke at supermarket, mga security guard, mga namamasada sa jeep at bus, mga linemen sa kuryente, tubig, telepono at katulad na public service entities, mga sanitation personnel tulad ng mga basurero at street sweeper, at iba pa. 

 

“Sa mga kamay ng ating essential workers ang nakasalalay ang pagpapatakbo ng ating ekonomiya kaya po mahalaga na kabilang sila sa mga babakunahan,” ayon kay Villanueva.