CLOSING REMARKS Department of Overseas Filipino By Senator Joel Villanueva

Nakakalungkot pong makita noon ang walang humpay na paalaman ng ating mga kababayan sa NAIA, pero lalo na po ngayong nagbabalik-bayan sila, walang kaanak na sumasalubong, halos walang dalang pasalubong, at walang katiyakang makakabalik pa abroad. 

 

Oo nga po’t hindi naman halos naapektuhan ng pandemya ang remittances noong 2020. Pero napapaisip po tayo kung bakit? 

 

Dahil ba mas marami ang biglang nakauwi o nag-alala yung mga kamag- anak na nasa abroad kaya nagpadala? Ganito pa rin kaya ngayong 2021 at sa mga susunod na taon? 

 

Again, isa po sa bawat sampung Pilipino ay nasa ibayong-dagat. Ang one- fourth po ng ating labor force ay mga OFW. Ang laki po ng ambag nila sa ating “national pride” at lalo na sa ekonomiya. 

 

Kaya mahirap pong hindi sabihing hindi kailangan ng hiwalay na ahensya, o bureau, o authority, o departamento para sa mga Overseas Filipino na tututok 24/7 sa lahat ng concerns ng ating mga kababayan.

 

That’s why we probably need the DOFil to address the 5RsRed-Tape, Regulation, Recruitment, Repatriation, and Reintegration.

Sa mga kababayan po nating sa apat na sulok ng daigdig na nakatutok sa pagdinig na ito, maraming salamat, hindi po natin layuning gawing polisiya sa ating mga kababayan. Gusto po natin na dito kayo sa Pilipinas magtrabaho kasama ang inyong pamilya at mahal sa buhay. Subalit alam po nating hindi ito makatotohanan sa ngayon. Ngunit nandito po tayo para gumawa ng paraan para mangyari iyong ating pangarap.

So, para po mangyari ito, uulitin ko po, ang gusto po nating mangyari sa DOFil ay hindi lang parang “lipat-bahay”, hindi lang “relabelling exercise”, hindi lang “pagpapalit ng karatula ng pangalan”. 

 

Dapat itong bigyan ng mandato to “amalgate” functions, gaya ng sinasabi natin about the 3 types of attaches na dapat mailagay natin under one office at iba pang overlapping functions na binanggit po ang ating mga kasamahan dito sa Senado.

 

 

Itatanong ko po muli: Kailangan po ba talaga o napapanahon ba para magtatag tayo ng bagong ahensya para sa mga Overseas Filipino? 

 

Kailangan ba talaga ng Department o simpleng “Authority” lang gaya ng sinasabi ni Sen. Imee? Yoon pong mga different models that we talked about- iyong Nepal,Sri Lanka, at India nabanggit po natin. Pag-aaralan po natin ng husto at [para] makita po natin what is the best for us.

 

 

But let me emphasize, now that the President himself has certified this measure as an urgent measure, we are duty-bound to to push for DOFil not to encourage migration-for-work but to address the plight of our kababayans abroad and most especially, those coming home because of the pandemic. 

 

Sa mga kababayan po nating sa apat na sulok ng daigdig na nakatutok sa pagdinig na ito, maraming salamat, hindi po natin layuning gawing polisiya sa ating mga kababayan. Gusto po natin na dito kayo sa Pilipinas magtrabaho kasama ang inyong pamilya at mahal sa buhay. Subalit alam po nating hindi ito makatotohanan sa ngayon. Ngunit nandito po tayo para gumawa ng paraan para mangyari iyong ating pangarap.

 

Kaya gusto ko pong ipagdiinan na may limitasyon po ang panukalang batas na ito. May mandatory review po after 10 years. Responsibilidad po ng inyong Kongreso at Senado na i-review kung kailangan pa ito at kung hindi na ay i-abolish din ang itatatag na DOFil. 

 

Muli , maraming salamat sa bawat isa na naririto.