Press Release / National Issues

Transcript of Interview on TRAIN 2, Security of Tenure Bill, ConAss, NutriAsia Labor Issues

 

- 



On TRAIN 2 -
 
Senator Joel Villanueva: Well, una, kung nagbanggit na nga si SP Sotto na siya’y magfa-file (ng TRAIN 2 Bill), well and good for the administration na nakakita sila ng ally dito sa Senado to file. Latest na nakakausap natin dito sa Senado, wala talagang gustong gumalaw doon. At the same time, I’d like to take this opportunity to say na yung TRAIN 1, noong binabalangkas natin dito sa Senado maging sa mga meetings natin with the DOF, NEDA, and the economic managers, we have been consistently reminding them of the anticipated inflation. Hindi lang yung inflation because they keep on saying na alam nila yung inflation, etc., pero yung anticipated inflation na lagi naming binabanggit, nakikita natin 'no. Ngayong TRAIN 1 na Ipinapatupad hindi talaga na-anticipate itong napakalaki, one of the highest inflation rate natin.
 
So, importante na mag-man up yung DOF, yung economic managers, na wag na nating, wag na tayong maghugas kamay na sabihin na, maliit lang yan, na nanggagaling sa TRAIN 1, etc. Ang importante I-address na natin kaagad ito. Anong mga puwede nating gawin and for me, as I was saying, I am more than willing to entertain the idea of lowering our VAT, from 12% to 10%. Mabilis yun. Diretsang makakaapekto sa ating mga kababayan and then liberalization of rice importation. Tingin ko napakahalagang dapat nating gawin. Alam naman natin yung nangyayari sa National Food Authority, how we regulate itong importation of rice, eh mas maganda na siguro na i-liberalize na natin at ma-attain din natin yung goal na binanggit ng Pangulo na 7 pesos per kilo.
 
 
Q: So, for now, hindi kayo supportive sir (sa TRAIN 2)?
 
SJV: I’m open naman kasi tama naman yung pag-lower ng corporate income tax, 30%, one of the highest tayo in the entire ASEAN region. Hindi ko rin ma-settle sa aking pag-iisip, bakit binibigyan natin ng katatakot takot na incentives and exemptions itong mga nasa gambling industries. Maganda rin siguro i-tackle yung issue ng online gambling. Naglipana na eh. Ang dami ko nang nakikitang mga banyaga na walang work permit pero nandito sa Pilipinas, tapos ang trabaho sa online gaming. Yung mga condominiums dito sa area natin sa Senado, dito sa Pasay, ang dami na foreigners ‘pag tinanong mo, malalaman mo nandun pala sila sa online gaming.
 
So again, mahirap i-settle sa pag-iisip bakit sila binibigyan ng exemptions. Mahirap din na, mas nananalaytay sa akin yung pag-ayos muna nitong napakataas na inflation natin. Let’s go first with the implementation, siguro unahin natin pagbaba nung VAT, yung liberalization ng importation ng rice before we even entertain itong TRAIN 2. But if we are to entertain TRAIN 2, siguro masu-suggest ko dun is masiguro natin (na mabawasan ang) mga unnecessary tax exemptions na binibigay natin. Yun ang unahin natin kasi ang taas na ng inflation tapos maapektuhan pa yung job creation, eh mahirap yan. For me lang, disaster yan pag di tayo nag-ingat.
 
 
- ON CONASS -
 
Q: On another issue, according to Speaker Arroyo, or other House leaders, they are willing to agree, they agree that both Congress should vote separately in a Con-Ass just to push para lang matuloy daw yung federalism. You think, okay na sayo iyon?
 
SJV: Siguro ang unang tanong dito, are we for Charter change? Or what? Ako ang sagot ko po diyan, open tayo sa discussion, open tayo kaya naman itong mga ginagawa sa Senado, the ball is rolling right now. The committee on constitutional on amendments, nagco-conduct ng hearing, nagpa-participate din tayo. So it's rolling, so we’re doing something in the Senate, so hindi ko alam kung saan nanggagaling yung ano pang puwede nating gawin. If we are to talk about constituting ourselves to a constituent assembly, then it’s the entire Senate that who would decide whether to talk about it, but when you talk about again, Charter change, the ball is rolling, may ginagawa ang Senado.
 
I was just talking to Senator Kiko Pangilinan, and I told him that I have a lot of concerns doon sa ibinigay na report ng consultative commission. One of which is for example yung AFP would defend cyberspace. Yung media outlets are we really open to giving it up to foreign ownership, etc.. So, these are the things na tinatanong ko dun sa report. When you talk about Charter change, babalikan ko ulit, ano ba yung goal, ano ba yun goal natin. I think malinaw dapat yan to begin with kasi survey says napakalaking chunk ng ating mga kababayan ang nagsasabi na hindi sila pabor for Charter change. Again balikan natin, ano yung mga gusto nating ma’accomplish, ano yung objective natin. Yung objective ba natin na yun ang pamamaraan o tanging pamamaraan ay pagpapapalit ng ating konstitusyon. We talk about the Constitution it's the soul of the nation, kaluluwa po ng bansa yan. So hindi naman puwedeng madaliin, hindi rin puwedeng hindi alam ng taong bayan kung ano ang ating gagawin. If this is the right time, at least sumunod tayo sa tamang proseso.
 
 
- ON SECURITY OF TENURE BILL/ NUTRIASIA LABOR ISSUES -
 
Q: Sir, sa security of tenure bill. Are you expecting a negative reaction from the business community?
 
SJV: Una gusto ko pong sabihin na sa Monday, August 6, tayo po ay tatayo sa plenaryo ng Senado upang ireport out ang committee report ng Committee on Labor and Human Resources Development tungkol po dito sa security of tenure. Matagal na hong pangarap ito ng mga kababayan lalung lalo na sa labor sector. Nais nating sabihin na ito ay balanse, ito ay pro-labor, pro-business. Pinag-isipang mabuti, pinag-aralan nang mabuti. Almost 40 times ang naging meeting dito at ang bottomline dito, ito ang mismong ginagarantiya ng ating Konstitusyon. 
 
We have seen enough and that is why on Thursday we will be calling a public hearing to investigate what happened sa NutriAsia, sa PLDT, at sa iba pa. Gusto ko lang pong linawin na we are not singling out any company whether NutriAsia, Jollibee or PLDT, hindi po. Ang goal po natin is nakikita natin na may pagkukulang yung present system, may problema sa regulatory function ng Department of Labor like for instance, yung NutriAsia, March 10, nakita na nila na labor-only contracting. Binanggit agad nila, di pa sumasagot yung NutriAsia but then nung sumagot na yung NutriAsia, June 25 sabi nila (DOLE) talagang labor-only contracting yan but you have to regularize 80 members of NutriAsia out of the 1,200 so makikita niyo dun palang yung mekanismo and what transpired, nagkaroon ng violent dispersal, etc. makikita natin na mayroon talagang pangangailangan and that’s why I take this opportunity na di maganda yung sinabi ni Sec. Bello na personally di na kailangan ng batas. Ano pang pruweba ang gusto niyong ipakita namin sa inyo? May exhibit A, B, C, D E, F hanggang Z. Baka magtatlong beses tayong umulit ng alphabet ,mayroon pa rin tayong example na talagang kailangan na kailangan ang batas. 
 
May mga negosyante rin tayong nakakausap na natotokhang sila. Ibig sabihin pupuntahan ng labor inspector at dahil nga po bigla silang nagkaroon ng target na ireregularize na 300,000 this year. Una to begin with, how do you come up with 300,000? Anong basis na 300,000 ang target mo? Now, if you are the labor inspector, your target for instance in NCR a target of 90,000 in the entire NCR. You will be forced to reach your target na kahit di labor-only contracting yung iniinspect mo, gagawin mo nang labor-only contracting so ito yung gusto natin na tugunan dito sa panukalang batas na ating isunusulong at iisponsor this coming Monday.
 
 
Q: Sir, may quota system sila?
 
SJV: Yes. Even the President during SONA he made mention that as of July, they were able to reach the target of more than 300,000 regularized workers. My question is where are these 300,000 regularized workers? Included ba dito yung  sa PLDT, NutriAsia na sinasabi nila hanggang ngayon wala pa ring linaw? These are the things that we need to look into. Masyado na pong matagal na naaabuso ang ating manggagawa. Di na po tayo lalayo, nakikita ko po kayo. Sa media outlets lang, in a lot of media outlets ang daming ilang years nang andiyan hindi pa rin regular. Ano ba talagang national policy natin when it comes to security of tenure? Ito po ay ginagarantiya ng ating Konstitusyon at tayo ay sumusunod lamang at tumatalima sa ating Konstitusyon.
 
 
Q: Isasama niyo na rin po yung arguments ng NutriAsia, PLDT…
 
SJV: Marami po at gagamitin natin yan at gusto nating ipoint out na yung pinaka meat dito ay yung definition ng labor-only contracting. Ano ba yung labor-only contracting? Para din hindi matakot at magkaroon ng misconception yung ating mga kaibigan sa business sector, hindi po natin sinasabi na yung job contracting ay ipagbabawal natin. Iba po yun. 
 
Yung job contracting ay norm yan sa buong mundo. Talagang may job contracting. Yung sinasabi nating ipinagbabawal sa Labor Code ay yung labor-only contracting. Ano ba yun? Nagsimula yan sa cabo system na tinatawag. Si Juan dela Cruz kumuha ng maraming kaibigan dinala doon sa port tapos naging trabahador ang mga kaibigan niya tapos yung employer noon nagbabayad dun kay Juan so yung nangyayari parang modern-day slavery na hanggang ngayon ay umiiral. 
 
Yung 555 naman after 5 months tatanggalin para hindi maregular. Yung evils of endo na kung saan naman kahit the same type of job yung kanyang ginagawa sa same company, paulit ulit po sya, by contract po siya. So again, where is the security of tenure on that particular job? For example, sa isang seasonal worker, ikaw ay nag tatrabaho sa isang resort. Yung trabaho mo lang 3 months every year sa isang resort every summer dahil pag tag-ulan, hindi naman siya hina-hire wala pa siyang trabaho pero every 3 months during that time of the year may trabahao po siya. For me, gawin na nating regular kahit seasonal worker sila. Regular worker sila so that every year when this time of the year, yung summer time, mayroon po siyang confidence sa sarili niya na may trabaho siya that particular time of the year even as a seasonal worker. And when you become a seasonal worker, siyempre no work, no pay policy po eh. Kapag hindi ka nagtatrabaho, hindi ka susuweldo. Pero while you’re in that particular season, nagtatrabaho ka dapat nakakatanggap ka ng SSS, dapat mayroon kang Philhealth, dapat mayroon kang 13th month pay, may computation po siya. Mayroon po tayong batas diyan. Ito po yung gusto po nating ipaabot sa ating mga kababayan maging sa business sector dahil we’re talking about productivity here. When your worker is more efficient, more productive, the bigger the chances na ikaw ay magtagumpay at mas lumago yung inyong negosyo.
 
 
Q: May timeline po kayo sir?
 
SJV: Ang apela natin sa ating mga kapwa mambabatas ay bigyan ng pansin ito considering that the President also mentioned this during his SONA na ito ay priority niya at gusto po niya at siguro it’s about time na ipasa natin yung batas na ito na magbibigay ng kasiguruhan at kapayapaan sa mga matagal na nating manggagawa na umiiyak tungkol sa usaping ito.
 
 
Q: Sir, hindi pa rin po certified as urgent ang bill na ito?
 
SJV: Yun din po yung hiling natin na officially ma-certify ito as urgent and priority measure of this administration.