Press Release / National Issues

DZMM Interview Regarding VAT, Automobile Tax, and Service Charge Bill


TRANSCRIPT OF SEN. JOEL VILLANUEVA’s DZMM INTERVIEW
Program: Pasada Sais Trenta
Hosts: Karen Davila and Vic Lima
 
Karen Davila: Ano ang reaction mo, Joel, na ang pinirmahang tax reform bill ni Pangulong Duterte exempted sa VAT pa rin ang local bagamat pinatawan na raw nila ng excise tax ang imported at domestic coal?
 
Sen. Joel Villanueva: Well, it could have been better at gaya ng matagal na nating inaangal at tinatanong bakit napalitan yung bicameral report considering na…pag sinabi mo kasi Karen na may bicam conference ibig sabihin niyan you are harmonizing the disagreeing provisions of both reports. Unfortunately, in this case wala dun sa House version yung pinirmahan ngayon. Wala rin sa Senate version. Ibig sabihin yung 2 reports na pinag meetingan noong bicameral report ni-repeal na yung PD 972. But unfortunately, nagkaroon pa ng isang version, another version at di natin alam kung ilang version ang talagang nabuo dun sa bicameral. Pero nung pinirmahan po at yun ho pati kami ay pumayag na rin dahil at least mayroong excise tax na maipapataw dun sa local coal manufacturer natin dito sa Pilipinas. Samantala, P5 billion po ang foregone revenues kung saan dapat ay naibigay yung VAT dito sa local coal manufacturer natin.  
 
KD: Yung nag-iimport ng imported coal may VAT ba sila?
 
SJV: Meron po. 
 
KD: So ibig sabihin ang local coal manufacturer lang ang walang VAT?
 
SJV: Karen, 4 decades na po. Matanda pa sa akin yung incentives na ibinibigay natin sa local coal manufacturers natin at yan po yung ikinasasama ng loob natin dahil siguro naman it’s about time na ibigay na natin sa taumbayan yung nararapat nating bayaran kasi Karen parang sinabi mo sa akin na ako yung pupunta sa lupa mo na may tanim kang mangga tapos ako yung makikinabang dun sa tanim mong mangga, ibebenta ko at imamarket ko but all year round 40 years na ang makukuha mo lang out of 100 pesos na kinikita ko, 3 pesos lang binibigay ko sayo. So siguro masasabi mo na by this time unfair na ko masyado ‘di ba?
 
KD: Ang sabi ni Congressman Dax Cua kanina kasalanan  daw ng Senate staff kasi ang Senate staff daw ang gumagawa ng bicam report. Sila raw ang nagta-type, etc. Bakit daw mawawala yun dun kung sila raw ang gumagawa?
 
SJV: Alam niyo po, Ms. Karen, I don’t wanna point fingers kung sino ang may kasalanan. Again, I go back to my first question. Sa dalawang committee report na pinag-usapan pareho pong ni-repeal doon yung PD 972 so to begin with, wala dapat pag-usapan because there are no disagreeing provisions. Pangalawa po, I cannot blame sina Congressman Dax dahil ‘di naman po ako miyembro ng bicameral conference. Ang nakarating lang ho sa amin may iba’t-ibang bicameral committee report. Parang dalawa, tatlo ang nakita namin. Yung una sinasabi doon na wala totally, exempted ang local manufacturer ng coal—pareho VAT at excise so sinasabi namin unacceptable yan hanggang sa bumigay sila at sinabi nila na oh sige kahit yung VAT ‘yun na lang i-exempt pero yung excise tax papatawan na rin ang local. Imagine 4 years na po itong ‘di nagbabayad ng buwis kung ‘di corporate income tax lang ang ibinibayad nila and for quite a long time, they also got income tax holidays from the government, from the Bureau of Investments. We were able to save some P10.2 billion pesos dito sa corporate income tax na ito. Talagang sobra na ho talaga and we feel na about time na i-tax na natin yung coal para nang sa gayon, maengganyo na mag-produce ng renewable energies at kung titignan niyo po ngayon, yung natural gas mas mura po ‘yan pero kung patuloy na bibigyan ng subsidy ng gobyerno ang mga coal manufacturers—whether imported or local then parang sinasabi natin na wala na tayong choice. Ito na yung pinakamaduming fossil fuel sa buong mundo at dito pa rin natin gusto kumuha kahit nakakasira ng kalikasan, maraming nagkakasakit dahil sa coal. 
 
Vic Lima: Bakit sa imported coal, all out sila and yet dito sa local coal parang utang na loob niyo pa, sige singilin na namin yung VAT, yung excise tax?
 
SJV: Alam mo, Boss Vic, yan din ang gusto kong itanong. Isa lang naman ang makikinabang na kumpanya. Itong Semirara, iisa lang naman yan ah, 95% producer ng ating coal and it has been a while. Hindi ko rin ho maintindihan that is why I filed a bill na repealing itong PD 972 and we have been pushing this government na dalhin natin yung industriya doon sa mas malinis at mas maayos napagkukuhanan ng enerhiya. Nakakalungkot especially every time I hear their interviews coming from Semirara saying oh sige, itaas niyo yung tax namin, ipapasa lang naman namin yan. Ganun ba yung klase ng kumpanya na pakikinggan natin?
 
KD: Namumuhunan ba sa phase two ng tax reform sa January, pwede pa ilaban na ang local coal mapatawan ng VAT?
 
SJV: Para sa akin, Ms. Karen, dapat maisama yan at di tayo makapapayag na di kasama yan. Unfortunately nga, doon sa nakaraan ginagamit din yung salitang ‘Teka lang, incentives yan e.’ So kailangan ang tackling ng incentives ay sa package two. E incentives, 42 years na na incentives ito. 42 years na incentives di pa ba nakatayo ang industriya by that time? 42 years na. So it does not make sense. 
 
KD: Pero napirmahan na po ito ng Presidente, mahahabol pa po ba ito?
 
SJV: Well, it is what it is. Basta we are still calling on the President and he is still in the position na i-repeal itong PD 972 at nang sa ganoon di naman masayang yung makukuha natin. As I have mentioned earlier, ang foregone revenue ng VAT dito sa local coal natin, binanggit sa atin ng DOF is P5 billion in the first year, P7 billion in the second year. Alam niyo naman pag buwis ang pinag-uusapan, dapat lahat tayo ay nag-aambag—korporasyon ka man, indibidwal ka man, magsaska, mangingisda pero yung mga malalaking korporasyon na bilyun-bilyon ang kinikita, parang takot na takot mag-ambag dito sa pagpataw ng buwis.
 
KD: Bakit yung mga alcohol tulad ng beer, bakit di isinama sa TRAIN?
 
SJV: I am also with you, Ms. Karen, na yun ho ipinupush din po natin yan. Pati ho yung sa tobacco, pinupush din po natin.
 
 
ON AUTOMOBILE TAX
 
SJV: Ang narinig po nating explanation doon yung mga high-end na sasakyan, yung middle po for example mga 3 series, 5 series halos di nalalayo yung presyo sa high-end. So parang you give them a chance to own luxury car. Pero yung mga luxurious talaga tulad ng Rover, Ferrari ganun ho talagang 50 percent and up talaga ang ipapataw na buwis.
 
KD: Hindi raw aabot sa target ng gobyerno na P130 billion ang TRAIN?
 
SJV: Meron naman po. According to the DOF, it will reach P130 billion. Sa akin po talaga, nalungkot po talaga ako sa foregone P5 billion revenue na 42 years nang ineenjoy ng iisang kumpanya dito sa Pilipinas, di natin naipaglaban nang husto. Hindi rin po natin maintindihan kung bakit ganoon. It’s just that package po yan. It’s either you take it or you reject it. Pag ni-reject naman, sayang naman yung pagkakataon na for example yung mga amendments natin, 99 percent po ng amendments natin sa atin po galing yung P250,000 na threshold. Sa atin po galing yung exemption sa ROHQs sa BPO companies. Halos lahat po yun tinanggap. Kung vo-vote against naman po ako, sayang naman ho yung mga ibinigay natin na amendments. Dun lang ho talaga ako very disappointed dun sa taxing ng coal.
 
VL: Do you think the President is aware about the coal issue?
 
SJV: I hope someone would bring it to him kasi for the longest time sa kada kilo ng coal, 1 cent lang po per kilo. Ngayon ginawa na po yang 5 cents per kilo so parang 50 pesos per metric ton. Yan po ang nangyari ngayon sa TRAIN. At muli ito po ang pinapatawan lang po dito ay yung imported coal so pagdating ho sa VAT naman,  wala na hong ibabayad na VAT ang local coal. 
 
SJV: Bale 50 pesos po per metric ton tapos P100 per metric ton for the second year. P150 per metric ton on the third year. So meaning to say ho yung 1 cent na ibinabayad before, naging 5 cents na po. Sa ibang bansa like in Vietnam, 1 peso per kilo, tayo 1 cent. Sa india, 30 cents, sa atin 1 cent lang. So malayo pa po and sila po they are dissuading the investors and manufacturers to go into this direction yung pagmimina ng coal. E tayo we’re giving incentives pa parang ineencourage pa natin na ‘Sige, mag-coal  tayo.’ At nakakasira ng kalikasan yan at maraming nagkakasakit diyan. 
 
KD: Kung mas mahal ang coal sa ibang Asian countries, bakit mas mahal ang kurtyente sa atin?
 
SJV: Well, maraming factors Karen noh? Hindi lang yung transmission at distribution pati na rin yung ating binabanggit natin na taxes. Bakit nga ba mababa itong coal? Mababa ito kasi halos walang tax na binabayaran.
 
KD: Pero bakit ang taas ng binabayaran natin?
 
SJV: Maraming factors katulad nitong systems losses, yung pagba-bundle po niyan medyo masalimuot. Pero gusto nating palakasin ang ERC…available naman po ang ibang uri ng power, energy na pagkukuhanan kunwari solar o hydro, may choice po tayo.
 
VL: Can this be investigated sa Senado?
 
SJV: Yun pong pag-repeal ng PD 972 ito po ay isinusulong natin nang husto. At meron din ho tayong panukalang batas sa Senado para suriin itong mining firms, ano ba ang ambag nila sa lipunan when it comes to job creation, economy. Ito ba ay worth it? If not, then let’s go back to the drawing table. 
 
KD: Ano ang sa pananaw mo na dapat binuwisan sa TRAIN na di nasama? 
 
SJV: Siguro yung isa nalang babanggitin ko. We are saddened by the P5 billion foregone revenue in coal. Maliit lang po ang ating hinihingi. From 1 cent per kilo, gagawing 5 cents per kilo. Napakaliit po nun. If we compare it to other countries and yet talagang ginawan ng paraan. Pasensya na po sa masasagasaan. Kasi di naman po ako naniniwala na ganun nalang, walang gumalaw, walang nangyari. 
 
VL: Pwede ba sabihin na ito ay garapal?
 
SJV: Totoo po yun. Garapal kasi 42 years na po. Kung 10, 15, 20 years pwede pa tayo mag-isip pero eto 42 years na. Ano pa ba naman ang kailangan nilang incentive para sa 42 years na ineenjoy nila?
 
 
ON SERVICE CHARGE BILL
 
SJV: Pumasa na po sa ikatlong pagbasa sa Senado ang panukala natin na 100 percent service charge na makukuha ng mga waiters sa hotels, restaurants and the like. For so long since 1976, meron pong umiiral sa Labor Code na ang service charge, 85 percent napupunta sa employees, 15 percent napupunta sa may-ari ng establishment. Unfortunately, nakakalungkot isipin ang dami nating nakukuha na report. Minsan nagiging baliktad pa po. 15 percent napupunta sa employees, 85 percent napupunta sa employer tapos minsan nagiging full discretion pa ng employer. It is supposed to be used sa breakages and losses. Minsan wala namang nasisira, wala namang nababasag pero di nila ito binibigay sa empleyado so dito po, 100 percent na ibigay natin sa workers. 
 
VL: Ang laki na ng tubo na kinikita nila mula sa pagkain e…
 
SJV: Opo. Tama po yun saka di ka naman papasok sa negosyo ng restaurant o hotel na para ang pagdiskitahan mo na kikitain ay galing sa service charge. Di naman po siguro ganun. So yun po ang appeal natin sa mga nagrereklamo na may-ari. Ibigay na ho natin ito, maliit lang ito na tulong sa ating manggagawa.