Press Release / Labor And Employment

DZMM interview on ‘End of Endo Bill’ as priority bill

 

Program: S.R.O.
Hosts: Alvin Elchico and Doris Bigornia
 










Alvin Elchico: Sabi po ng Malacanang, di na raw po pipirmahan ng Pangulo ang EO. There will be no EO anymore kundi ipupush na lang daw po ang security of tenure bill sa Senado. 
 
Senator Joel Villanueva: Una, gusto po natin sabihin na it’s a welcome development ‘yun pong plano ng Pangulo to certify ito pong End of Endo Bill as an urgent and priority measure. We have been calling for this and natutuwa po tayo na icecertify ito. Pero mas maganda sana ang Executive Order because it would give us not just a bird’s eye view but a concrete position of the administration when we talk about our national policy, yung contractualization, yung job contracting. Kasi ho yun yung pinakamabigat na part na batas in ending endo—yung definition of what is really labor-only contracting. So ‘yun ang gusto nating makita sa administration lalo na sa Department of Labor kasi kami parang minsan kami rin ho sa Senado nalilito rin kami. Ano ba ‘yung policy natin talaga when it comes to defining what is labor-only contracting kasi ho kanina na naman I was watching a show diyan sa ABS-CBN. A certain official mentioned na, for example, ang isang fast food chain hindi na kailangan mag direct hire ng empleyado nila as long as they are regular workers from a manning company. So, nalito na naman po ako doon.
 
AE: Sino ang nagsabi nun? Akala ko ba may utos na ireregular katulad ng sa Jollibee? Diba ang utos ng DOLE irregular niyo mga crew niyo? 
 
SJV: Well, yun nga po. When you talk about regularization, sino ba dapat nagreregularize? Ito ba ay yung manning company o ito po ay, for example, ang fast food chain ang magreregularize? Kasi yung contentious provision in the bill yung pag-define ng labor-only contracting eh. Ito ba ay ililimit lamang natin yung contractual services dun po sa highly specialized skill? Kasi kunwari ho bangko ka, kung bangko ka, will you be the one directly hiring your security guards? Ikaw ba bibili ng baril nila? Ikaw magttrain sa kanila? So yun po ang contentious issues. Yung committee report naman po natin ay iniikot na po natin sa ating mga members ng committee and we’re looking at releasing the committee report when we resume session this coming May at sana kung talagang macertify as urgent at yun talaga ang gusto ng ating administration e ma-push at magkaroon talaga ng isang panukalang batas na balanse to promote yung investments but at the same time protect the rights of our workers.
 
AE: Using that example, yung sa fast food chain. Under the EO, yung nakikita nilang EO dapat regular ang crew ng fast food chain. Under your bill, ano ang category ng the same employee?
 
SJV: Una po gusto nating sabihin hindi pa po ito official. Sa atin pong draft ng committee report, wala na po tayong tinatawag na seasonal or project-based workers. It’s either regular or probationary. Pag probationary ka, hanggang six months ka lang. Ngayon, when you work for more than six months, kahit seasonal ka lang. Kunwari po isa kang worker ng isang resort na pagdating ng tag-ulan wala ka na po, di ka na po papasok doon sa resort na pinapasukan mo dahil tag-ulan na, seasonal worker ka but you remain regular. So, every year, in the time na magsa-summer, siguradong mayroon kang regular job and at the same time, you get the benefits of a regular worker.
 
AE: Which means the employee of the fast food chain can actually use your proposed bill. If it becomes a law, pwede nila magamit yun for their benefit para ma regular sila.
 
SJV: Tama po kayo. At para sa atin, kung kayo po ay lumampas na dun sa time period na six months, ikaw yung magpprevent talaga dun sa mga 5-5-5 na tinatawag. After 5 months tinatanggal ho tapos iha-hire po ulit after a month para makaligtas sila sa regularization. 
 
Doris Bigornia: Bakit hindi kayo kumibo noon nung sinasabi ng Pangulo na ‘Hindi, I will end endo. Pipirmahan ko yung ganyan ganyan.’ ‘Excuse me, Sir, mayroon na po kaming bill e. I-certify niyo nalang po na urgent.’ Kasi ngayon ang nangyayari tumakbo ng isa’t kalahating taon na nasa puwesto na si Digong pagkatapos ang ending kayo rin pala ang sasagot. 
 
SJV: Maganda po ang point niyo na ‘yan. Siguro mas magandang banggitin ko rin po, September of 2016 sumulat na po tayo formally to the President and October of 2016 we wrote again a formal letter requesting for the certification of this measure as urgent. Pero other than that, we sound like a broken record especially kung tatanungin niyo yung mga reporters sa Senate beat, we have been saying na important ang Executive Order ng endo. Kahit ano pa man ho kasi ang nilalaman nun, at the end of the day, we have an idea. What kind of national policy we want to put in place when we talk about labor-only contracting or contractualization? Kais po legitimate naman yang contractualization. Hindi naman po yan illegal eh, iyon pong pagbibigay ng kontrata. So, maging doon po sa panukalang batas natin at doon po sa panukalang batas na ipinasa sa House of Representatives ay ina-allow naman po ang legitimate job contracting as long as may lisensya po siya. Hindi siya hao siao, ibig sabihin meron po siyang equipment, machine, et cetera. Mayroon siyang amount of capital na inestablish na at higit sa lahat, ineexercise po nila ang control over sa performance and completion of service na being contracted dun sa worker. 
 
AE: May counterpart na po ito...
 
SJV: Tapos na po siya sa House yung kanilang version. Ang sinasabi po talaga natin dito ay very crucial yung ano ba yung position ng ating paamahalaan sa labor-only contracting kasi nga yung binabanggit natin kanina yung contentious provision. Ito pong bill na ito na gusto nilang ipasa baka mamaya pagdedebatehan natin nang matagal tapos sa dulo, ivi-veto lang, di nila ipapasa. Parang ang hirap naman din po. Hanggang ngayon po nalilito tayo sa posisyon ng DOLE. Ano ba ang gagawin dun sa highly specialized skills? Dun lang po ba natin ida-dilute iyong tinatawag natin na contractual services? Kasi yan po ang isinisigaw ng ating mga worker groups.
 
DB: Kaya nga po lahat ng mga manggagawa ay nakatingin po sa inyong lahat ganun din sa DOLE. Labor Day na malapit na. Oo kailangan ng maliwanag na kasagutan kaya po tayo ay kumilos na lahat nang sa gayon  walang sisihan sa dulo. 
 
SJV: Tama po kayo at iyon po ay gustung-gusto na nating pag-usapan. Kanina lang po nagbigay na tayo sa Senate President if we can also talk about this in our majority caucus.
 
AE: Thank you very much, Senator. 
 
SJV: Maraming salamat po. Mabuhay po kayo. God bless you all.