Press Release / Human Rights

Sen. Joel Villanueva's Opening Remarks During the Hearing on the Death of Kian delos Santos

 

Una po sa lahat, nakikiramay po tayo sa mga kaanak at magulang ni Kian, kay Ginoong Saldy at Ginang Lorenza Delos Santos na kasama po natin ngayon. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagdalo sa hearing na ito.

Mr. Chair, even before I heard or read what witnesses had to say surrounding the death of Kian, just the thought that Kian was a Grade 11 student, I already felt sorry for him. And while listening to news about his mother, Ma’am Lorenza, na kapatiran po natin sa JIL (Jesus is Lord) Dubai who works as an OFW in Saudi, my anger and frustration grew stronger.

Nakaramdam po ako ng galit at panghihinayang sa buhay ng isang batang puno ng pangarap. Lalo na po para sa kanyang magulang na nagsasakripisyo sa ibang bansa para lang mabigyan siya ng maganda at kumportableng buhay. 

Sumagi sa isip ko ang mga anak ko, naramdaman ko kung gaano ito kasakit sa isang magulang – hindi po siguro kayang i-describe iyong feeling na mawalan ng isang anak. Nakakagalit po talaga, nakakapanghinayang.

Nauunawaan ko po ang ating kapulisan sa pagsusulong niyo ng isang maayos na lipunan na drug-free. Sino po ba ang ayaw d’yan? Pero hindi po ba, ginagawa natin ito para mismo sa ating mga kabataan, kabataan na itinuturing nating pagasa ng bayan, para magkaroon sila ng magandang kinabukasan? 

But in the span of only 24 hours on August 15 to August 16, police operations against illegal drug operations in Bulacan, my home province, resulted in 32 deaths. And the following day, August 17, the police of Manila reported some 28 deaths and then additional 13 deaths were reported on August 18.  

Si Kian po ay 17-year old lamang, batang-bata, at isa lang sa at least 80 dead. Kung mga kabataang tulad ni Kian ang mamamatay, labis naman pong nakakabahala ito.

This is the reason why I was very active in asking our colleagues in the Senate to file this resolution condemning these killings. Sobra-sobra naman po kasi ang patayan na nakikita natin. When is enough killing enough? 

Let me assert my firm belief that the PNP as an institution should be given all the help we can in their task to find better ways to end this problem. But let me be clear: while we support the police and the government’s anti-drug efforts, we don’t support, and we will never support, summary killings. That’s why we must elicit accountability here. Dapat po talagang may managot sa pagkamatay ni Kian at iyong pong mga tinatawag na unnecessary killings.

I thank and praise God for this opportunity, Mr. Chairman, na tumawag po kayo kaagad-agad ng committee hearing, pa-imbestigahan. And I thank and praise God na si Senator Ping ang humahawak ng hearing dahil napakataas ng respeto at integridad ng ating chair na ina-assure tayong lahat that this hearing will be an independent probe to determine abuses, possible abuses, that led to the death of Kian and other victims. We want to know, particularly, the extent of police operations in other regions, hindi lang po sa home province ko sa Bulacan, hindi lang po dito sa Metro Manila. 

Napakarami pong tanong ng ating mga kababayan. Ngunit siguro ang focus ng tanong nila is ano ba talaga yung ginagawa natin? Paano po ba natin talagang pinagpaplanuhan ang mga operasyon na ito at ano ang proseso ng pagkilala sa mga persons of interest sa bawat lugar? 

Again, we support the war on drugs but not to the extent of excessive police operations or the loss of innocent lives, especially children and students. 

Our God is a just God. In Job 12:22, it says, “He reveals the deep things of darkness and brings utter darkness into the light.”

Nanganak na po nang naganak at iba't-ibang istorya na ang ating naririnig, pati iyong mga bintang nang bintang nang bintang, bintang ng pang-aabuso at bintang ng pagbabalewala sa karapatan ng ating mga kababayan. At alam naman natin na lumobo na ang bilang ng mga namamatay. Sana maging hudyat po ang pagbubuwis ng buhay ni Kian para sa isang mas maayos at mas makatarungang pagpapatupad ng laban sa droga dito sa ating minamahal na bansa.

Maraming salamat po, Mr. Chair.