Press Release / Current Events

Transcript of Senator Joel Villanueva’s interview on DZXL 558

 

Q: May update na po ba tayo on the issue of illegal foreign workers?
 
Senator Joel Villanueva: Meron po. Tayo po sa Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa Senado ay nagsagawa ng mga pagdinig po tungkol sa influx ng illegal foreign workers. Marami po tayong nadiskubre, lalo na po yung glaring na pagbibigay ng special working permits ng Bureau of Immigration sa napakaraming indibidwal na walang basehan sapagkat ang tanging nakakapag-vet ng kapasidad ng isang foreign worker na hindi ito kayang gawin ng ating kapwa Pilipino ay walang iba kung hindi ang Department of Labor and Employment. Unfortunately, ang Bureau of Immigration ay nanghimasok dito kaya po bumaha po ang mga nadiskubre natin. Kaya po noong budget hearing, nagkaroon po tayo ng special provision na dapat ang DOLE lamang ang nagvevet nito at nag-iissue ng working permit.
 
Sa kasamaang palad, ito po ay na-veto ng ating Pangulo. Tayo naman po ay rumerespesto sa karapatan ng Pangulo, kaya lang ang sa atin po dapat po ay importante na alam ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan itong nangyayaring ito. Mag-aadjust naman po sila at tayo rin naman po, hindi naman tayo magpapatinag. Meron pa rin po tayong i-introduce na amendments sa charter ng BI at higit sa lahat ma-protektahan natin ang workers’ welfare lalo na ngayon na Araw ng Paggawa. Importante po na hindi tayo nagpapanakaw ng mga trabaho na dapat para sa ating mga kapwa Pilipino.
 
Q: On wage hike
 
SJV: Tayo po sa Senado sa Committee of Labor, naniniwala tayo na hindi dapat kaagad-agad isinasara ang posibildad na magkaroon ng second round of wage increase in less than a year. Nakakalungkot po kasi na maririnig natin sa ibang government officials right away isasara natin. Hindi po dapat ganun. Kailangan pong kilatisin ang isyu na ito gamit ang konteksto ng kasalukuyang mga nangyayari sa ating kapaligiran, sa ating lipunan at sa ating ekonomiya.
 
May mga pag-aaral po kasi na nagsasabing masyado nang mataas ang malnutrition sa mga minimum wage earners. May mga pag-aaral din na nagsasabing ang mga minimum wage earner ay 42.8 percent ay ginagamit ito lahat sa pambili ng pagkain, para pakainin ang kanilang pamilya, ang kanilang mahal sa buhay at lumalabas din po na may mga discrepancies na medyo mababa ito (wage). Kaya dapat hindi po ito agad isinasara. Ini-implore po natin ang DOLE at NEDA na pag-aralan ang mungkahi sa living wage, at ihayag ito sa Kongreso ang kanilang posisyon upang makagawa tayo ng karagdagang polisiya na kailangan para magkaroon ng living wage ang ating mga manggagawa.
 
 
Q: On security of tenure bill, endo
 
SJV: Maraming salamat at na raise niyo yan. Nagpapasalamat po tayo sa CIBAC party list. Tayo po ay Pangulo ng CIBAC Partylist. Sila po ang isa sa mga nagsulong doon sa Kamara (ng security of tenure bill). Natapos na po nila ito (passed on third reading). Tayo naman po sa Senado, nandun na tayo sa second reading. Natapos na po ang period of interpellations and debate. Nandun na po tayo sa period of amendments. Umaasa po tayo at very optimistic sa ating mga kasamahan sa Senado, lalo na sa pangunguna ng ating Senate President Tito Sotto, na maipapasa natin ito pagbalik po namin at bago matapos ang Kongreso na ito at ito’y kailangan na kailangan dahil obviously alam natin may mga kababayan tayo na every 5 months nare-renew, yung 5-5-5. Yung iba kahit di 5 months pero walang security of tenure, walang peace of mind na may naghihintay na trabaho para sa kanila. Kailangan na kailangan po na maipasa ito. Ito po ay priority measure ng Pangulo  kaya umaasa po tayo na pagbalik natin ay susuportahan ito ng ating mga kasamahan sa Senado at ipapasa ang Security of Tenure bill.
 
Anchor: Maraming salamat po,Senator Joel Villanueva.
 
SJV: Maraming salamat po sa inyo at God bless you more.