Press Release / Current Events

EDJA : A GIANT WAVE THAT USHERED IN GENUINE CHANGE

 











Nakikiramay po tayo sa buong pamilya at angkan ng mga Angara, lalo na po kay Tita Gloria at sa ating kaibigan, kapatid at seatmate, Brod Sonny. May you find comfort and consolation in God’s promise: “To be absent from the body is to be present with God”.
 
Most of all, we mourn with every Filipino, as the country bids goodbye to a great leader, a statesman, a reformist, a giant wave of the Philippine Senate– the man who penned landmark laws and made a positive dent in the fabric of life of every Filipino and added rungs to the ladder of opportunity in our country.
 
Dahil po sa inyo, Tito Ed, tunay na "angara" ng buhay ng mga Pilipino.
 
Alam n’yo po, ilang beses rin akong nagkaroon ng pagkakataong panoorin ang malalaking alon ng dagat sa Sabang Beach ng Baler. Nakabibighani po ang mga alon lalo na kapag may mga nag-su-surf. Minsan din po akong naudyukan ni Tita Bella na sumubok mag-surf at sumampa sa ibabaw ng mga naglalakihang alon doon.
 
Lumikha po ng mga dambuhalang alon sa ating kasaysayan si dating Senate President Edgardo J. Angara o EDJA – mga along bumago at nagpayabong sa ating edukasyon, sining, agham at teknolohiya, governance, pamumuhunan, health at agrikutura.
 
Thank you, Tito Ed for the extraordinary things you did to usher in waves of changein this country. 
 
Taong 2011, naimbitahan po akong guest speaker sa Aurora Day celebration. Siyempre, kabadong-kabado po ako sa gagawin kong speech. Alam ko kasing bukod kina Tita Bella at Sonny, na pareho kong nakasama sa House of Representatives, makakasama ko sa iisang entablado si Tito Ed.
 
Ilang minuto bago magsimula ang programa, nakita ko po si Tito Ed, naka-t-shirt, shorts at naka-tsinelas lang. Sa isip ko, dapat siya ang magbihis dahil siya ang “Ama ng Aurora”.
 
Pero nakapako pa rin sa kanyang silya si Tito Ed at nakatitig sa isang blueprint, na kalaunan, nalaman kong ‘yun ang plano ng Baler-Casiguran Road na sinisimulan pa lang po noon. Sa sandaling iyon, nadama ko ang gusto n’yang sabihin sa akin, “Joel, don’t expect me to be there with you…hindi na sa akin importante yung mga palakpak ng mga tao”.
 
I walked away thinking what St. Paul said: “If I seek the applause of men, I cannot fully and truly serve God.” At that very moment, I knew I had encountered a visionary man. Tito Ed made me experienced his visions and moved me to take action.
 
But though it was Tito Ed’s visions and blueprint for the country that we will long remember, it is his friendship and generosity that we will truly miss.
 
Nasa UST High School po ako, taong 1992, nang una kong makaharap si Senator Angara. Isinama po ako ni Bro. Eddie sa meeting n’ya kay Tito Ed kung saan nito ipinakiusap para sa suporta ng JIL ang mga tumatakbong kapartido at mga kaibigan at ang mga taong sa tingin n’ya ay makakatulong sa bayan.
 
Sabi ko sa sarili ko, ang laking tao ni Tito Ed pero gagawin n’ya ang lahat para sa mga kaibigan, para sa mga taong pinaniniwalaan n’ya.
 
I also saw Tito Ed’s giving heart when I run for the Senate:
 
Number 42 po tayo noon sa Senate race survey nang magsimula akong komunsulta kay Tito Ed. Alam ko na walang dahilan para pagbuhusan n’ya ako ng personal na oras dahil napakababa ng tyansa ko, pero sa halip, minentor pa n’ya ako at tinuring na anak.
 
It was not the first time that I have experienced his generosity and guidance:
 
Noong 2005, binuo niya ang South East Asian Parliamentarians Against Corruption o SEAPAC. Sabi n’ya sa akin, “Joel, ikaw lang naisip kong kuhaning Secretary-General ng SEAPAC.” Hindi po ako tumanggi dahil alam kong hindi ako pababayaan ni Tito Ed. 
 
Noong panahon ding iyon, siya rin po ang adviser ng grupo ng mga pinakabatang mambabatas sa Kongreso, itago na lang po natin ang pangalan ng aming grupo noon na “Lousy Boys”, kasama sina Bem Noel, Justin Chipeco, Mujiv Hataman, Gilbert Remulla, at kami ni Senator Sonny. Si Tito Ed, he really had a heart for mentoring young people. Gustong-gusto po n’yang nagtuturo, nagbibigay ng advice sa mga kabataan.
 
Dito sa Senado, si Tito Ed rin po ang tumayong adviser ng Seatmates Group – kasama sina Senator Win, Senator JV, Senator Migz, Senator Sonny at ako. Siya ang palaging nagpapaalala sa aming mga adhikain, sa aming mga pangarap para sa bansa.
 
His belief in our capacity as young lawmakers influenced us to create our personal roadmap to live a purpose-driven life and make an impact.
 
Ilang buwan lang po ang nakakaraan, naganap ang huling meeting ng Seatmates kung saan kami nagkaroon ng heart-to-heart talk with Tito Ed. Mariin n’yang bilin sa aming lahat ang halaga ng pagpapanatili ng ating kultura, ng ating mga tradisyon dito sa Senado. 
 
For us, Seatmates Group, Tito Ed was the Senators’ Senator:
 
In our last moment with him, he gave us a challenge that reflects his deepest love for this institution, the Senate – protect its traditions, lead fearlessly and fulfill goals that matter to the people.
 
Luck had little to do with his legislative success because he crafted laws out of his visions, his generosity, his deepest love for the Filipino people and the institution he served.
 
Noong ma-appoint po tayo sa TESDA, si Tito Ed ang pinakauna kong nilapitan dahil siya ang gumawa ng mga alon para maitatag ang TESDA matapos ang EDCOM noong early 1990s. Sa kanya ko unang narinig kung gaano kahalaga ang tech-voc, sa kanya ko rin po lubos na naunawaan kung bakit binabale-wala ito ng maraming Pilipino.
 
Kaya sa buong termino ko po sa TESDA, umikot sa abiso ni Tito Ed ang naging diskarte namin: popularize tech-voc and make it close to the people.
 
Wala po si TESDAMAN, kung wala si ED Angara na “tatay” ng TESDA. 
 
Tito Ed: You are the soul of TESDA and every TESDAn, every graduate whose life was transformed because of tech-voc will remember and love you forever.
 
Malalaki po ang alon ng dagat sa Baler kung saan isinilang si Tito Ed at hanggang may alon, may mga mag-su-surf, may lalangoy doon. Subalit pagsapit po ng dapit-hapon, umuuwi ang lahat ng mga surfers at manlalangoy para magpahinga pero nananatili ang mga alon.
 
Wala na po si Tito Ed, nagpapahinga na sa piling ng ating Panginoon, subalit mananatiling nariyan ang mga alon ng pagbabagong kanyang ginawa para sa ating lahat, para sa bayan.
 
Tito Ed: Alam po namin na ang iyong pananalig sa Diyos at pagmamahal sa bayan ay ginagantimpalaan ng ating Panginoon ngayon. “For to me, to live is Christ and to die is gain."
 
For those of us who loved him and who are weeping for the loss of a father, a husband, a brother, a great leader, a mentor, a kababayan, a colleague, and above all, a friend, 1 Thesalonians 4:13-18 says that “there’s a grand reunion in heaven”. Huwag po tayong mag-alala o mabalisa sapagkat makikita at mayayakap natin siyang muli at mapapasalamatan. 
 
But for now, let’s continue his works and carry on so that his great contributions to our generation would not be in vain, so that the waves he started will swell, break on our shores and straighten the wrongs that still remain in this country.
 
Tito Ed, hinding-hindi ka po namin makakalimutan. Maraming, maraming salamat po at paalam.