Press Release / Current Events

Propose Measure Penalizing Persons Who Create, Spread Fake News

 

Tinitignan natin yung ibang batas sa ibang bansa, for example, yung Germany, meron na ring proposed measure penalizing ang pag spread ng fake news. At mabigat yung penalties nila, as high as 50 million euros doon sa mga (social media) sites. 

I think ang bottomline nito is we should not tolerate malicious intention of anyone, even social media sites, na magpakalat ng fake news na ang intention is manakot, manindak at manira ng kahit sinuman. 

I don't want to single out anyone or any sector of the society. Ang importante dito ay mayroon tayong batas to ensure na yung mabibiktima rin ay mapoprotektahan natin. Paano ba natin masasabi na ikaw ay biktima lang when you yourself as a reporter, for instance, will get a news, there is no way to find out to double check kasi you feel na, siya na yung public official eh. Will you be part of the measure na kailangan i-penalize? I don't think so. Dapat protektado rin (ang reporter). 

 

 Q: When will you file?

SJV: I will be filing in the next couple of days. I have a draft already. On the penalties, it would be 100,000 to 5 million pesos. We want stiffer penalties for public officials because public office is a public trust. Yung operative word dito is "malicious intent". I think panawagan na rin sa ating publiko na kailangan maging aware tayo what is fake news. Yung peke, huwag naman natin i-share. Gusto natin hindi lang individuals kundi pati outlets should be responsible. Ang gusto natin iparating na mensahe ay 'yong salitang "accountability".

Q: Imprisonment?

SJV: Mayroon din. Up to six years. Again, we have yet to finalize. That's what we are looking into. Panawagan din, nabanggit ninyo yung public officials, napaka-irresponsible kasi for public officials na magsalita on something na tinitignan palang na totally wala pang verification, it has to stop. 

 

Q: Kay Secretary Aguirre?

SJV: I think he should apologize.